Chapter 8

767 7 22
                                    

Brooklyn's POV

Nagising ako at nakaramdam ako ng sakit sa alaga ko. Pero sa totoo lang, ginusto ko talaga yung nangyari saamin ni Levi. Bakit ba?! Ikakasal na kami next week eh! So wala namang masama kung mag s*x kami eh.

Tatayo na dapat ako, pero bwisit! Ang sakit pa rin ng katawan ko!

"Wag mo munang pilitin yung sarili mo. Lalo pa yan sasakit." Sambit ni Levi na bagong gising din.

"Ayos ka lang Levi? May masakit ba sayo?" Tanong ko.

"Yung ulo ko." Sambit niya kaya hinimas himas ko yung ulo niya.

"Thank you Levi ah." Sambit ko na ikina-ngiti niya lang.

"Brooklyn bakit? Bakit mo naman nagawa yan? Oo, dadaan din tayo diyan pag kinasal na tayo, pero bakit mo ginawa agad agad?" Tanong niya.

"Levi, mahal na mahal kita. At ayoko namang dumaan ka sa punto na mapupunta ka sa iba. Eh alam mo naman na may epal na janitress na balak umagaw sayo eh. Kaya hinayaan ko na yung sarili ko na gumawa tayo ng milagro eh. Tsaka ginusto mo rin yan diba?"

"Ginusto ko rin. Pero nag aalala ako pag nalaman ni Ate Giselle at Kuya Franco yung nangyari saatin. Especially nung pinaalala mo kay Kuya Franco na hintay muna siya sa kasal bago gumawa ng ganitong bagay." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.

"Levi, kilala ko si Ate Giselle. Hindi naman siya mapanghusga eh. Tsaka buong buo yung suporta niya sayo kaya okay lang. Maiintindihan niya ako." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

"Masakit ba o masarap?" Tanong neto na ikinairap ko lang.

"Wag mo nang alamin!" Sambit ko bago tumayo.

"Ang tambok ah!" Pag asar ni mokong.

"Manahamik ka bwisit!" Sigaw mo sakanya.

Bwisit! Ang sakit pa rin ng katawan mo hanggang ngayon!

Damian's POV

Naglalakad kami ni Kayla papuntang Ricaforte's Pizzeria, dahil pinapapunta kami ni Kuya Luthor.

Nang makarating kami, napangiti na lang kami nang makita namin yung mag asawa na sobrang speed.

"EZIO!! MY DEAREST FRIEND!!" Sigaw ko na ikinalingon niya at ngumiti.

"Damian! Kayla!" Lumapit si Ezio saamin para yayain na umupo kami sa tabi niya.

"KAINIS KA EZIO!" Pagbatok ni Kayla sakanya.

"Aray ko naman! Kararating niyo lang sa Pilipinas, ganynan na kayo saakin?!" Pag iinarte ni Ezio.

"Yan yung pasalubong namin sayo sa sobrang speed mo!" Pag asar ko sakanya.

"Damian! Kayla! Uyy! I miss you!!" Sambit ni Tahirah at yayakapin dapat si Kayla.

"Heh! F.O. na tayo ah!" Pagbiro niya kay Tahirah.

"Hala siya!" Pag iinarte din ni Tahirah.

"Hindi na matiis?? Gusto niyo na talagang magpakasal?? No wonder kung bakit nahawaan ka sa pagiging speed ni Ezio." Pag asar ko sakanila.

"At bakit mo kami hindi ininvite? Ha?" Tanong ni Kayla.

"Tsaka na kayo mag asaran diyan. Upo muna kayo!"

"Kuya Luthor!"

"Namiss ka na namin Damian. Kayla." Sambit ni Ate Esther.

"Namiss ka na rin namin Ate Esther." Natutuwang sambit ni Kayla.

"Pagpasenyahan niyo na si Tahirah at Ezio ah." Pag asar ni Kuya Luthor na ikinairap lang ni Tahirah.

"Ayan kasi! Speed masyado! Di kami na-invite!" Inis na sambit ni Kayla.

Love or PleasureWhere stories live. Discover now