Chapter 55

428 4 18
                                    

Stacey's POV

Naglalakad kami ni Rhodes pauwi sa bahay, and recently he's been very caring about me.

Oo, matagal na kaming nagsasama ni Rhodes, pero iba talaga yung pagiging concerned niya saakin. Sobrang nakakaiba talaga, hindi ko talaga ma explain kung bakit.

"Rhodes, thank you ah."

"Wala yun Stacey! Basta andidito ako para sayo." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

Pagdating namin sa bahay, agad agad kaming pumasok sa bahay.

"Gusto kita..." Sambit ni Rhodes na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Anong pinagsasabi mo Rhodes?" Tanong ko na nagtataka.

"Stacey... gusto kita. Ever since... hindi ko lang maamin dahil natatakot akong masira yung pagkakaibigan natin. Kaya tinago ko itong nararamdaman ko para magtagal yung pagkakaibigan natin."

Ewan ko lang, pero iba yung Rhodes na nakikita ko. Yung Rhodes na seryosong seryoso saakin at sincere sa mga salita niya.

"I'm not expecting you to like me back ah. Pero kung ano man yung iniisip mo, naiintindihan ko. As long as hindi masisira friendship natin okay lang." Sambit niya na nakayuko.

Iba tong nararamdaman ko kay Rhodes. Ayoko na tong pakawalan dahil in his eyes, sincere talaga siya sa mga sinasabi niya saakin.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na yakapin siya ng mahigpit na ikinayakap ako pabalik.

"Thank you Rhodes... for letting me realize that after all these years na pinaramdam mo saakin na mahalaga ako." Sambit ko na nakangiti.

"You mean..."

"After all these years, I realized na andidito lang pala yung taong magmamahal saakin. At ikaw yun Rhodes. Thank you for letting me realize it... I love you so much Rhodes."

"I love you too Stacey!" Sambit ni Rhodes na natutuwa.

Ilang segundo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay nagyayakapan kami, maya maya kumalas na kami ni Rhodes sa pagyakap at tinignan lang
namin ang isa't isa.

Unting unti naming linalapit yung mukha ko sa mukha niya hanggang sa nagdikit ang mga noo namin, kasunod yung mga ilong namin hanggang sa nagdampi na ang mga labi naming dalawa.

Sobrang iba talaga yung mga halik na binibigay namin sa isa't isa, nakakagaan sa puso.

He simply moved his lips while I follow his rhythm. Napahawak ako sa batok niya at dinadama ko ang bawat halik na binibigay niya saakin.

Tumagal ng ilang segundo, napabitaw kami sa mga halik namin at tinignan namin ang isa't isa.

"Ang saya ko talaga Stacey."

"Call me mine... cuz I'm all yours... mine." Sambit ko bago ko ulit ito halikan sa labi.

"Mine... you don't know how happy I am nung nalaman ko yung totoo! I'm so happy na my best friend, is now my boyfriend." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

"Mine... I'm very happy that you accepted me even if I had feelings for you. I just wanna let you know na kahit ano mang pagsubok na haharapin natin, hindi ka nag iisa." Sambit niya.

"Tara na nga mine!" Pagyaya ko habang hinihila ko si Rhodes papasok sa bahay.

Allyssa's POV

Nag aayos ako ng suot ko dahil magkikita na kami ng boyfriend kong si William Ibarra.

Ka stress lang kasi yung work ko eh. Epal masyado yung isa, akala mo kung sinong nasa posisyon!

Oo, hindi ko na pinapakialaman ang buhay ng epal na Brooklyn na yan, kung gusto niyang magpapansin sa so called asawa niya, once na may nangyari kay Levi, I'll be sure to get him back!

"Ate! Aalis ka nanaman?!" Tanong ni Debbie.

"Ate, everytime na lang ba, aalis ka na lang ng walang dahilan?" Tanong niya ng pataray.

"Debbie naman, ano nang gusto mong gawin?! Diba nag resign ka na as admin ni Anakin?! Ano nang balak mo?!" Tanong ko.

"Bahala na! Mag waitress na lang ako doon sa Starbucks." Sambit niya bago umupo sa sofa.

"O siya siya. Aalis na ako." Sambit ko bago ako maglakad paalis ng bahay.

Naglalakad ako papunta sa bar and all of a sudden, nakita ko na lang si William na may kasamang unang babae.

Ewan ko ba?! Hindi naman ako nagseselos, and I'm hoping na kapatid niya yan or pinsan.

"Babe!" Pagtawag ko kay William.

"Wait! Who's that??" Tanong ng babae.

"Allyssa, let me explain."

"Hands off my boyfriend would you!" Sambit ng babae na ikinalaki ng mata ko.

"Wha-what?!"

"Oo Allyssa, girlfriend ko talaga yan. And you, nagpapaka t***a ka lang saakin! I just tested you kung paano ka mag trato ng lalaki, and I was right. Gwapo lang talaga habol mo, so get out of my sight!" Pag real talk ni William na ikinalaki ng mata ko.

"Alam mo... ang sakit mong magsalita! Anong klaseng lalaki ka?!" Mangiyak iyak na sambit ko.

"Hindi pa ba sapat ang nagawa ko sayo?! Sabihin mo nga William?! Anong nagawa ko para makatanggap ako ng ganyang bagay?!" Tanong ko habang humahagulgol ng tuluyan.

"Wag mo kong lalapitan!" Sigaw ko bago ako tumakbo paalis sa bar.

Tumakbo ako ng tumakbo palayo habang tumutulo etong luha ko hanggang sa umupo na ako sa gilid.

Dapat nakinig na lang ako kay Kenny. Tama siya, hindi ako nag ingat sa mga taong sinasamahan ko.

Kenny's POV

Until now, nag aalala ako sa kapakanan ni Allyssa nung nalaman ko yung tungkol sakanila ni William.

Kung tatanungin niyo ako, oo! Mahal ko si Allyssa. Pero siya itong nagmamatigas, kaya hinayaan ko muna siyang masaktan para matuto.

Matagal na akong bumitaw kay Brooklyn nung nalaman kong kinasal na sila ni Levi.

And I wanted her to be happy with the man she loves.

And now I realized na si Allyssa talaga yung gusto kong mahalin.

Sabihan niyo na may nagawa kaming kalokohan noong linoko namin si Levi at Brooklyn, pero nagsisi ako sa nagawa ko noon.

Natuto akong magparaya nung nalaman ko na nasa tamang tao si Brooklyn.

May naririnig akong iyak sa may gilid at natanaw ko si Allyssa.

She's in pain... I can see it in her eyes.

I guess she already learned her lesson, so I wanted her to have someone to lean on.

Umupo na ako sa tabi niya at yinakap ko na lang siya patagilid.

Love or PleasureWhere stories live. Discover now