Chapter 60

387 5 10
                                    

Kenny's POV

Ilang linggo na ang nakalipas at mukhang gumagaan na ang pakiramdam ni Allyssa mula nung iniwan siya ni William.

Hindi ko alam kung ano pwede kong gawin para mapalapit sakanya ulit, knowing na nakulong ako recently.

Hayys... ang hirap ng buhay.

Gusto ko nang magsimula ulit para kay Allyssa, I just wanna let her know na andidito ako para sakanya.

Dumaan na ako sa may bentahan ng Milktea at nag order na lang ako.

"Hello po sir! May I have your order sir?" Tanong ng lalaking Chris ang pangalan.

"Uhmm... dalawang winter melon nga. 50% sugar level." Pag order ko.

"Sige po sir!" Sambit niya bago siya umalis sa harapan ko.

"Kenny??" Pagsulpot ni Allyssa na kasama si Debbie na kapatid niya.

"What are you doing here?!" Tanong ni Debbie saakin na naiinis.

"Uhmm... nag o-order." Sagot ko.

"Are you here para lapitan si Ate Allyssa?! Like dude! She's not even interested in you!"

"Manahimik ka nga Debbie! Wala namang ginagawa si Kenny sayo ha!" Inis na sambit ni Allyssa.

"Pagpasenyahan mo na si Debbie ha?"

"Ayos lang Allyssa."

"Sige, work na ako." Walang emosyon na sambit ni Debbie bago pumasok sa counter.

"Upo ka." Pagyaya ni Allyssa na ikinasunod ko.

"Kenny, sorry talaga ah."

"Wala yun. I'm just letting you realize it yourself. Although, nasaktan ka na nga, at least natuto ka. And I'm hoping na sooner or later makahanap ka ng taong magmamahal sayo ng totoo." Sambit ko bago ako umiwas ng tingin.

Honestly, I just don't want to admit na nahuhulog ulit ako sakanya.

Pero I'm still hoping na magiging masaya siya.

"Sana ikaw din Kenny." Sambit niya habang hinahawakan yung kamay ko.

Napatingin na lang kami sa isa't isa ng parang kaming dalawa lang ang taong nasa mundo.

She's definitely something else.

No, she's someone special.

Hinawakan ko na lang yung mukha niya at unting unti kong linapit yung mukha niya sa mukha ko na ikinapikit naming dalawa.

"Dalawang winter melon!" Sigaw ng Chris na yan na ikinabuntong hininga ko lang.

Wrong timing talaga oh!

Tumayo na ako sa upuan at kinuha ko na yung order kong winter melon.

"Eto. Libre ko." Pagbigay ko ng milktea sakanya.

"Thank you." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Mahirap ba nung nakulong ka?" Tanong ni Allyssa.

"Mahirap talaga. Dahil doon ko na realize lahat ng pagkakamali na nagawa ko. Eh eto namang si Raiden, pinipilit pa akong sumama sa mga usapan nila dahil, "kaibigan" pa rin ang turi niya saakin." Sambit ko na ikinabuntong hininga niya lang.

"Well, hindi natin maiiwasan yung mga ganyang tao, pero at least you already learned your lesson about choosing people who you should trust." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Understandable naman na nabaliw na yung Irelynn na yan nung nahuli kami. Halos wala na nga tayong balita sa mga girls eh."

"Si Harper, naging waitress sa isang restaurant. Si Roselle, nag ibang bansa. Irelynn, hindi ko na alam dahil wala naman siyang binabalita saakin eh."

"Nabaliw, ayun tuloy." Sabi ko na natatawa.

"Aray naman!"

"Sira ulo ka talaga no!" Sambit niya na natatawa.

"Siya naman kasi may dahilan nun eh! Dagdagan mo pa yung kapatid niyang g**o!"

"Lutong ha!"

"Totoo naman hindi ba? Nagpaka t***a tayo nung nasa psychopath group pa tayo."

"Pero thank you ah." Sambit niya.

"Saan?"

"Kahit na naiinis ako sayo, hindi ka pa rin nagpabaya saakin."

"Wala yun." Sambit ko bago ako uminom ng milktea.

"Painom ha!" Pag agaw niya sa milktea ko bago niya inumin ito.

Yow! Sinubo niya yung straw na sinubo ko ah! Hahaha! Ano to, indirect kiss?

But I don't mind.

"Thank you!" Sambit niya bago niya ibigay yung milktea ko.

"Inis talaga?!" Natatawang sambit ko.

"Sorry."

"Ganynan ha!" Sambit ko bago niya agawin yung milktea niya.

"Hoy!" Sigaw niya.

"Akin na to ah!"

"Kenny naman kasi! Akin na!"

"Inubos mo yung akin eh!" Sambit ko bago ko ininom yung milktea niya.

"Ano ba yan Kenny! Sinubo ko yung straw na yan!"

"Sinubo mo rin yung straw ko! Umangal ba ako?!"

"Bahala ka nga diyan!" Pag irap niya.

Ang cute niyang mapikon ha!

"Sanaol." Sambit ng Chris na nasa counter na pinapanood kami.

"Sorry po Kuya!"

"Ayos lang, sanay na ako manood ng ganynan eh." Sambit niya na ikinatuwa ko lang.

"Allyssa..."

"Bakit?"

"Libre ulit kita gusto mo?" Pagyaya ko.

"Scammer ka! Inubos mo na nga milktea ko eh!"

"Sino ba kasing unang nag ubos? Diba ikaw?"

"Bahala ka sa buhay mo!" Sambit niya bago umalis.

"Hoy Allyssa! Hintay naman oh!" Sigaw ko bago ko siya sinundan.

Allyssa's POV

Naglalakad na ako palayo sa Kenny na yan, although nakakapikon, pero iba yung Kenny na nakikita ko ngayon eh.

"Allyssa!" Pagsulpot ng William na to na ikinainis ko lang.

"Ano bang kailangan mo William?!"

"Look. I'm sorry... about what I said."

"Sa tingin mo ba makukumbinse mo ako sa sorry mo?! Wag kang umasa!" Inis na sambit ko bago maglakad palayo sakanya.

"Allyssa, look! Nakipag break na saakin yung girlfriend ko. Magbalik na tayo, please."

"Magbalik?! Pagkatapos mo akong saktan, gusto mong makipagbalikan saakin?! Pagkatapos mo akong sabihan ng ginamit mo ako, babalikan mo ako?! Tumigil ka nga William! Naiirita ako sayo sa totoo lang!"

"Whether you like it or not, babalik ka saakin!" Sambit niya bago higpitan yung hawak ng kamay ko.

"Willam! Bitawan mo ako! Ano ba?! Nasasaktan ako!"

"Allyssa!" Pagsulpot ni Kenny bago niya suntukin sa mukha si William.

Nanlaki bigla yung mata ko nang makita ko si Kenny na linigtas ako.

Sasapakin niya ulit sana si William, pero umawat na ako at hinila ko siya palayo kay William.

Nakarating na kami sa lugar kung saan hindi kami nakikita at tinignan ko si Kenny ng maigi.

"Ayos ka lang?"

"Thank you Kenny."

"Wala yun. Mabuti pang umuwi na tayo."

"Wait!" Pag awat ko sakanya nang hinila niya ako.

Nagkatinginan kami ni Kenny, agad kong hinawakan yung mukha niya at unting unti kong linapit yung mukha niya hanggang sa nagdampi na ang mga labi namin sa isa't isa.

Love or PleasureWhere stories live. Discover now