Chapter 5

345 15 10
                                    

Chapter 5: "Even in a crowded room, I'd only look at you."



We were called for a meeting which is about a big concert that GD Ent will produce. All the artists under the management will be part of the concert. So that means, we have to prepare for it. We're quite excited because it means we'll get to bond with the other artists. 

"Sam, let's go! Nasa rehearsal room na daw lahat!" ani Phoebe sabay hila sa kamay ko. 

Eksaktong paglabas naman ay siyang pagdaan ni kuya One kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa rehearsal room.

"Phoebs, una ka ng pumasok," he said as he slung his arm around my shoulders. She glanced at me, and I just nodded. Nagkibit-balikat na lang siya at pumasok. Bumaling agad si kuya One sa akin. "I didn't know you could be so heartless, Sam."

Napamaang ako sa narinig. "Bakit? Anong ginawa ko?"

Tumaas ang mga kilay niya. "Seryoso ka hindi mo alam?" I shook my head, totally clueless. "You made him wait for more than an hour outside your house."

My eyes widened. "Ano? What are you talking about, kuya?"

"Walang pahinga yung tao pero dumiretso siya sa bahay niyo para lang makita ka. Kaso ikaw hindi mo naman sinasagot ang mga tawag niya."

Is that why he was calling me? Napapikit ako ng mariin at natampal ang noo. Bigla akong nakunsensiya sa nalaman. I should've answered his call!

"I didn't know. Galit ba siya?"

"Well, hindi naman galit pero tingin ko nagtatampo eh."

"Anong gagawin ko, kuya?"

"Lambing lang ang katapat non, Sam. Tara pasok na tayo," aniya sabay hila sa akin papasok sa rehearsal room. 

Nakangiting binati namin ang mga kapwa namin artists na nasa loob na at nakaupo sa floor. Mukhang hindi pa kumpleto kaya hindi pa nagsisimula at nagkukwentuhan pa sila. 

Sa dami ng mga tao ay hindi ako nahirapan na hanapin siya. I could probably still find him even with my eyes closed; that's how much attuned I am to him. I swallowed as I saw him sitting on the floor in the corner of the room with his bandmates. Seryoso lang siyang nakikinig sa sinasabi ni Vash. 

Nakaupo din sa harapan nila sina Macy, Elle, at Pheobe. Kumakaway sa akin ang tatlo at pinapalapit ako. Nilalamig ang mga kamay ko sa tensiyon habang palapit kami sa kanila. Kuya One has probably felt how tensed I am. 

He chuckled. "Chill, Sam. Lambingin mo lang si Calem. Hindi ka niya matitiis, believe me."

Hindi ako kumibo sa sobrang tensiyon na nararamdaman ko. Si kuya One naman ay nananadyang pinaupo pa ako sa tabi ni Calem. Hinihintay ko na tumingin siya sa gawi ko pero ni isang sulyap ay hindi niya ginawa. 

I cleared my throat. "H-hi, kuya Cale!"

He just gave me a sideways glance and nod. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga kasama niya. Hindi ako mapakali dahil sa lamig ng trato niya sa akin. He's so cold I could literally feel it. Habang dumadaan ang oras ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko dahil sa hindi niya pagpansin sa akin. Hindi talaga niya ako kinausap o tiningnan man lang kahit nakaupo ako sa tabi niya. I decided to wait for our meeting to finish before I talk to him. 

As soon as it did, I turned to him. "Ku-"

Napamaang na lang ako ng mabilis siyang tumayo at lumabas. 



Knowing that he's mad at me, bothers me so much that I couldn't sleep. Kinabukasan ay dumaan ako sa mall para maghanap ng pwede kong ibigay as a peace of offering. I wore a cap, and sunglasses.

The Magnetic: Loving the Ice ManWhere stories live. Discover now