First day

8.5K 210 12
                                    




Hoy, June. Naaalala mo ba 'yung una nating pagkikita? Orientation 'yun, e. Late ako kaya sa dulo ako naupo. Hindi ako palatanda ng mukha, hindi ako palatingin sa tao, chix kasi ako, di ba? Um-oo ka, upakan kita. Pero alam mo bang first day pa lang, natandaan ko na 'yang pagmumukha mong 'yan? Bakit? Malapit na tayong i-dismiss ng prof natin nu'n, e. Ta's ewan ko kung bakit ako napalingon sa direksyon n'yo. Katabi mo pa nga si R nu'n, e. Umpisa pa lang kayo na magkasama. Nasa pinakaunahan kayo. Siguro kasi katabi n'yo 'yung table ni Sir sa gilid kaya ako napatingin? Basta, napatingin ako. At 'pag tingin ko... Aba, nakatingin ka sa'kin! Nagulat kaya ako nu'n. Naisip ko bigla, "Hala, ba't nakatingin sa'kin 'yung pogi? Napogian din ba sa'kin?" Hahaha.
Nakapatong ang mga siko mo sa desk mo, magkahawak ang mga kamay mo habang nakapatong doon ang baba mo, tapos 'yung ulo mo nakapaling sa direksyon ko.
Hindi ako assumero, gago, malinaw pa mata ko nu'n at wala akong katabi nu'n. Haha.
Pero naaalala ko pa rin talaga 'yung tingin mo na 'yun, e. Sa gulat ko, mga three seconds atang napatitig ako sa'yo ta's binawi ko agad ang tingin ko. Weird kasi. Weird mo makatingin nu'n, seryoso. O ganu'n ka talagang tumingin 'pag seryoso ka? Ewan, basta weird. Kaya nga tumatak sa isip ko, e. Aminin mo. First day pa lang na-sexy-han ka na sa'kin, 'no?

Hoy, JuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon