Maharot

2.5K 109 9
                                    




Hoy, June. Naaalala mo ba kapag English time? Dito tayo close na close, e. Nasa back row ka namin. Bawal na bawal nga ang lumipat, di ba, pero dahil isa't kalahating gago ka, lipat ka pa rin nang lipat sa tabi ko para lang kulitin ako nang kulitin. Daming times na muntik na tayong maawardan ng prof natin, ikaw kasi! Halos wala nga akong natutunan du'n dahil sa'yo, pero dahil matalino ako (charaught), matataas pa rin scores ko. Naaalala mo ba? Nagpapataasan pa tayo ng scores pero mas madalas na mas mataas ako kaya magti-"tss" ka na lang at sasabihin mong madaya ako kasi nag-review ako. Kahit na 15 minutes before exam lang kung mag-review ako? Haha! Ayaw na ayaw mo kasing matataasan kahit 1 point lang, grabe ka. Pero wala, e. Mas henyo 'to, e. Galing lang talaga kamay mo, p're. Kaya nga sa major ikaw lagi mas mataas. Syempre, skills mo malupet. Kaya nga bawing-bawi ka sa lait mo sa plates ko, e! Bwisit. "Tch. Ano ba 'yan, gawa bang matatawag 'yan?" "Napakapangit naman ng gawa mo, lagpas-lagpas!" Huhu, bully. Tawanan mo pa lang 'yung gawa ko, nadudurog na puso ko, e. Hahaha, joke walang gano'n.
Pero mabalik tayo sa English. Hoy, June. Naaalala mo ba? 'Yung talagang hindi na tayo nakakinig dahil sa harot mo? Alam ko tinawag na nga ng prof natin atensyon natin nu'n, e! Haha. As in, sobrang harot natin nu'n! Kingina, tapos may quiz, nganga tayo! Bokya! Hahahahaha. Hiyang-hiya ako sa mga nasa likuran nating matatalino nu'n, alam kasi nilang bokya tayo. Pero dahil magaling ka, dinaya na lang natin scores natin, gago ka talaga. Pati si A nadamay sa kalokohan natin, wala ring nasagot, pa'no asa sa'tin 'yun. Hahaha. Naaalala ko pa 'yun, e. Ang saya kasi nu'n. Naaalala mo pa rin ba? First time kong mabokya 'yun, e. At dahil 'yun sa'yo, yes naman talaga, apir tayo!

Hoy, JuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon