Tropa

2K 105 4
                                    




Hoy, June. Naaalala mo ba kapag nagkikita tayo, nagkakasalubong, middle finger ang batian natin? Wala, e. Angas natin, e. Haha. Wala lang. Kaka-miss kasi 'yun, sa'yo nag-umpisa 'yun, e. Ikaw una kong nakaganunan, sa'yo 'ko natuto. Hinawahan mo talaga 'ko ng kaangasan mo, e. Haha, galing mo, hoo!
Hoy pala, June! Hahaha! Alam mo ba? Minsan tinukso ka sa'kin ni M. Sabi crush daw kita, e, ang liit mo kaya baho mo pa! Hahaha. De, crush daw kita. Ang saya ko raw 'pag kasama kita, lagi raw ako tawa nang tawa. Haha. Dude, 'wag ka kiligin, 'wag ka yumabang, 'wag lalaki ulo mo kasi kaibigan lang talaga turing ko sa'yo, 'di lumagpas du'n kahit pogi ka. Oo na, pogi ka na, tukmol ka. Magaan lang talaga loob ko sa'yo kasi totoo ka pero hanggang du'n lang. Tropa tayo, tropa. Sorry, ha? 'Di umepekto kindat mo sa'kin, bangasan pa kita, e.

Hoy, JuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon