English Time

5.1K 156 5
                                    




Hoy, June. Pa'no nga ba tayo naging close? Sa English subject ata natin 'yun nag-umpisa, 'no? Oo ata. Kasi katabi mo si R, 'yung first day pa lang close mo na, pero naging kaaway mo nang dahil sa Marty's? Hahaha! Nakakatawa talaga 'yun, Marty's lang, p're! Buti sana kung dota, maiintindihan ko pa, pero Marty's? Hahaha! Hindi pa rin ata kayo bati, e! Magbati na nga kayo! Marty's lang, e...
So, ayun. Katabi mo si R kasi pareho ang initial ng last name n'yo at alphabetical ang seating arrangement. Nasa back row namin kayo, medyo malayo ka nga, e. Bawal na bawal ang lumipat ng pwesto. Pero para siguro maiwasan mo 'yung mortal enemy mo nang dahil sa Marty's, at ako ang nasa gilid ng line namin, ayun, sa'kin ka tumatabi kahit minsan wala nang space, mukha ka talagang singit. 'Pag nahuli ka naman ni Ma'am at sinita, bumabalik ka naman sa pwesto mo. Pero 'pag pansin mong hindi na halata ni Ma'am, ayun, lipat ka ulit. Pasimpleng ililipat mo upuan mo sa tabi ko at tahimik kong buhay ang ginugulo mo.

Hoy, JuneWhere stories live. Discover now