Tinago ko pero nilabas mo

3.9K 146 10
                                    


Hoy, June. Parang naaalala ko na kung ba't tayo naging close. Nu'ng namura ata kita 'yun. "Tangina mo" pa nga ata 'yun, e. Nagulat ka ata kasi akala mo 'di ako nagmumura. Mukha kasi akong anghel, 'no? Sexy ko pa. Oo, 'yun ata. Pa'no naman, sa'yo talaga na-trigger pagmumura ko! Gago, oo, mabait talaga 'ko pero simula nu'ng maging kaibigan kita, aba, puro mura na rin lumalabas sa bibig ko. Hahaha. De, totoo. Paveve naman talaga 'ko nu'ng una pa'no kay babait ng mga kaklase nating babae, maski lalaki. Lalo naman ang boys, hindi ako minumura. E, ikaw? Ikaw lang talaga, e. Kaya nga natuwa ako sa'yo. Haha, seryoso. Nu'ng naladlad na 'yung tunay na ako, tuwang-tuwa tuloy boys 'pag nagmumura ako, pinapaulit-ulit pa! Haha. Maski sila 'di nila inakalang nagmumura 'ko, ang bait-bait kasi talaga ng itsura ko, e. Hayysss. Haha.
Wala. Sa'yo talaga na-trigger pagmumura ko. Tindi mo kasi, e. Pero okay lang. Kasi 'yun naman talaga 'ko, tinatago ko lang pero nilabas mo. Tangina, oo, ikaw nga. Isa ka talagang alamat, June, lupet!
Tapos ayun, unti-unti, natutunan mo na 'kong i-hard, hayup ka. Pero dahil du'n, naging close tayo, di ba? 'Yung sabi mo pa nga; buti pa ako 'di ako na-o-offend 'pag minumura mo 'ko o kaya iniinis kasi 'yung ibang babae ganu'n kamo. 'Di ako madaling ma-offend alam mo 'yun. Kaya nga napaka-hard mo sa'king leche ka. To the point na nasa sahig na 'ko, binu-bully mo pa rin ako. Oo, loko, naaalala ko pa 'yun. Buset!

Hoy, JuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon