Pa-humble? Puta, hindi ikaw

2.6K 124 3
                                    


Hoy, June. Naaalala mo ba kapag nakatunganga lang ako minsan, tapos bigla kang titingin sa'kin sabay hirit ng, "Gwapo ko, 'no?" Minsan may kindat pa nga o kaya himas sa baba, sarap mong upakan. Minsan kakalabitin mo pa 'ko sabay tanong ng, "Gwapo ba 'ko?" Syempre ako maba-badtrip na 'ko kaya magpo-poker face lang ako sa'yo, pero hihirit ka pa rin ng, "Hindi, seryoso nga ako. Tingin mo ba gwapo ako?" Bwisit. Ganyan 'yang mga lines mo, e. "Kainis, ba't ang gwapo ko?" "Ang gwapo ko talaga, 'no?" "Seryoso, ba't nga ang gwapo ko?" "Gwapo ko talaga, ba't ganu'n?" Paulit-ulit, kakarindi. 'Di man lang maging pa-humble, e. Pakaangas mo, p're. Yabang, liit-liit naman. Pero syempre babanatan mo 'ko ng, "Maliit ka rin naman, mataba ka lang kaya hindi halata". Bwisit ka talaga, 'no? 'Di ako mataba, yatot ka lang talagang tukmol ka. Tigas pa ng mukha mong makipagpatangkaran sa'kin, mas matangkad talaga 'ko sa'yo, hoy!
Pero nakakainis, ha. Sexy nga lang ata talaga tawag mo sa'kin 'pag may kailangan o mang-iinis ka lang, huhu, bwisit.

Hoy, JuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon