Chapter 13: Whatttttt!!!!!!

2.4K 77 0
                                    


Alex POV

Nandito kami ngayon sa aming tambayan at kasalukuyang nagmi-miryenda. Di namin kasama si Brixton dahil nagpaalam na pupuntahan ang dad niya sa ospital at may gagawin naman itong si Tiffer kaya kami-kaming lang na bi-1d ang magkakasama, as in the originals.

Kahapon kasi, naging mag-on na kami ni Brixton. Ayyiiieee, kinilig na naman tuloy ako.

"Hoy, nakakahalata na talaga ako sayo Alex. Kahapon pa iyang ngiti mo na iyan ha, ano ba talagang nangyari?" Sabi nitong si Ferdie na akala mo hindi kinikilig sa ka-txt niya ngayon. May boylet na din kaya ito?

"Wala lang, kailangan ba may rason para maging masaya ng ganito"

"Eh ano pa ba? Kamakailan lang, drama lang ang peg mo nung nagalit sayo si Brixton. Kinausap ka lang parang nakaapak ka na sa cloud 9 eh" barat nitong si Ferdy. Sa lahat ng dabarkads ko, siya lang ang lagi nang-iimbyerna sa akin. Iyong mga sikreto ko lagi buking dahil sa kanya.

Biglang may nag-txt. Kuha ng phone, open and then charan...si Brixton at ang sabi niya ay 'kain kang marami mahal ko, kita tayo maya' *^_^* o di ba ang sweet niya.

Biglang kinuha sa akin ni Ferdy ang cellphone ko.

"Aha, anong ibig sabihin nito Alex?" Bulyaw ni Ferdy.

"Hoy Ferdy, makasigaw ka diyan wagas. Ano bang ipinuputok ng butsi mo ha?" Tanong ni Tomas na kanina pa nagka clash of clans. Ako, buking na. Shocked mode.

"Ito namang pure kano nating kaibigan na marunong magtagalog at di marunong mag-ingles ay may inililihim sa atin"

"Kailangan ba talaga sabihin mo pa iyon, FYI...ako ang may highest na grade sa english natin na subject no" paliwanag ko kay Ferdy sabay hablot ng cp ko sa kanya. Nag-isip pa itong bigla at tumawa lang. Tama naman kasi ang sinabi ko.

"Kayo na ba ni Brixton?" Biglaan niyang tanong na ikinagulat ng tatlo.

"Pakilamero ka talaga Ferdy" inis kong sinabi sa kanya.

"So totoo nga?" Tanong naman ni Kent.

"Aiiiyyssst, kayo talaga. Pero, wag kayong maingay okay. Oo, kami na ni Brixton".

"Whaaattttt????!!!!" OA no? Silang apat iyan.

"Shhhhhhhhssshhh, sabi ng wag maingay di ba"

"Pero di ba, straight at may girlfriend si Brixton?" Confuse na tanong ni Clifford.

Iyon na nga, umupo ako at nag-kwento sa mga ito. Lagi ko silang pinipigilang mag-react at baka may makarinig sa amin. School ito ni Brixton and I don't want to know about us sa aming dalawa dahil maraming humahanga sa kanya and for god sake, mga lukaret nga pinagbantaan ang pogi kong mukha iyong iba pa kaya na nangangarap sa mahal ko di ba.

"Busy ata kayo?" Nabuwag kami sa pag-uusap ng biglang sumulpot si Tiffer.

"Bakit ka nandito? Di ba sabi mo may gagawin kayo ng mga kaklase mo?" Tanong ko sa kanya.

"Natapos namin kaagad kaya't naisipan kong dumaan na lang dito, o...ano ng balita?"

"Pinag-uusapan lang namin ang session natin maya sa gym" palusot nitong si Kent.

"Ngayon nga pala iyon no" sabi ni tiffer at nagkamot pa ng batok. Ngumiti lamang ako at pinasalamatan ko sa tingin ang mga dabarkads ko dahil ayaw ko pang malaman ni Tiffer na kami na ni Brixton.

"Dapat i-ready mo na ang katawan mo dahil mabigat ang ipapagawa namin sa iyo niyan" si Clifford.

"Kakayanin ko iyon"

Three is better than Two (Boyxboy)Where stories live. Discover now