Chapter 8: Puyat

2.9K 99 1
                                    

Dedicated po ito kay nicz2105 kung hindi ako nagkakamali, gamit ko lang ngayon ay phone pero I will put you on dedication once na nakapag-online ako through computer. Haha sige, thanks a lot sa pagbasa.

Tiffer POV

I guess, it's my time para magpakilala. I'm Tiffer Collins, 19, taking up Bachelor of Science in Civil Engineering. Anak ako nina Ana & Joey Collins, nagmamay-ari ng gadgets and appliance store. I live on my own in apartment near our school. I had a girlfriend, her name is Maxine. But, she broke up with me.

Mahal ko kaya yun, all because na tumataba na ako. Unti-unti siyang nagbago, health concious kasi siya. Siya, super sexy that's why kailangan hunky din daw boyfriend niya and hindi na ako yun. I know to myself na I am handsome, obvious naman dahil lapitin talaga ako ng mga girls. Lately kasi, naa-addict na ako sa pagkain kaya heto, chubby na ako.

Then, nakilala ko si Alex. Awkward lang nung una kaming magkakilala. Nagsa-shower ako nun at alam ko na may ibang pumasok sa cr, pagbukas ko ng shower curtain, nagtaka ako kung bakit nakikiramdam siya sa pinto. Naisip ko na lang na hinahabol siya ng mga babae, kano at may hitsura kasi. Nagulat na lang ako ng itulak niya ako papasok ng cubicle, hindi ako nakagalaw dahil pumatong siya sa akin. Mag-rereklamo na sana ako kaso tinakpan niya yung bibig ko then he whisper something. Aba, nakakapagtagalog pala siya. Last, gumawa ako ng paraan para makalusot siya sa mga humahabol sa kanya.

Nakita din niya kung paano ako inaway at hiniwalayan ng girlfriend ko then siya na yung nagka-idea na pasamahan niya ako sa dalawa niyang kaibigan para mag-apply sa gym.

Ngayon mas naging close na kami eventhough mga grupo sila ng Bi, di naman ako against sa kanila at mukhang mababait pa sila. May kakampi naman ako pero mukhang cold siya sa akin. Si Brixton, anak ng may-ari ng school namin. Kung siya, nakipagkaibigan kina Alex, why not me di ba.

Kinabukasan, after nakilala ko si Alex. Napag-isip ko na hanapin siya kaso absent ata kaya na-txt ko siya, nalaman ko na nilagnat pala. Naisipan kong puntahan na lang siya, boring kasi eh. Wala ng girlfriend na susunduin. Buti nga at naiisip ko pa siyang sunduin, I found out na binibisikleta lang niya ang papunta sa school namin gayong ang layo pala ng bahay nila.

Medyo naalis ang pagka-broken-hearted ko ng masama ako sa mga dabarkads niya. Wala eh, ang sasaya lang nila. Lalo na ng na-kwento sa akin ni Alex na kailangan niyang maghanap ng matutuluyang dorm. Dahil busy sa business sina mama at papa, sanay na akong mapag-isa. Kaya nga nag-solo flight na lang ako sa apartment ko eh. Siguro, I want to experience naman na may ka roommate.  Para kasing ang gaan ng pakiramdam ko kay Alex kaya inofferan ko siya na to live with me. Huwag kayo mag-isip ng masama, I just want to help a friend.

Back to present, heto na at nakalipat na sa apartment ko si Alex. Ang sarap lang niyang biruin. Sabi nila na naughty siya pero, di ko ata maatim na matulog lamang siya sa sofa. I mean, malaki naman ang kama ko kaya gumawa ako ng paraan para hindi siya mahiga doon. So, binasa ko ang sofa. No choice na siya kaya sa kama din ang bagsak niya. Binantaan niya ako na hindi patutulugin sa gabing ito, kinabahan ako syempre. Sa gwapo kong ito baka, reypin niya ako.

"Akala ko ba hindi mo ako patutulugin?" Tanong ko sa kanya dahil nakapikit na siya at ready to sleep na. Nagmulat siya ng mata at bumaling sa akin.

"Maghintay ka lang hanggang makatulog ako" banta niyang muli at nagtaka ako kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

Kalahating oras na nga ang lumipas, kalmado na ang paghinga nito. Malamang tulog na siya ngunit ano nga ba ang sinasabi niya, wala naman ata problema kaya sinimulan ko na ding ipikit ang mga mata ko. Ilang minuto pa ang lumipas, naramdaman kong gumalaw ang kama. Teka, di kaya malikot matulog itong si Alex. Nagmulat ako ng mata upang tingnan siya, ng biglang pak!

Three is better than Two (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon