Chapter 14: Surprise

2.3K 77 1
                                    

Alex POV

"Good morning" bati ko kay Tiffer na kasalukuyang  nagwa-wax ng buhok niya sa malaking salamin malapit lang sa kusina. Kita mo rito ang buo mong katawan, pinagawa niya daw ito para i-check ang ootd niya bago lumabas ng apartment. As if naman di kami naka-inform kung pumasok araw-araw.

Ako naman, maaga lang na nagising kanina. Hindi kasi nag-txt sa akin si Brixton kagabi bago matulog, nangako kasi siya na gagawin niya iyon after naming maging mag-on. Ang landi ko lang para mag-isip ng kung anong bagay at wala pa ngang nangyayari sa amin, naisip ko kasi agad na baka nabigla lang si Brix at sinabi niyang may gusto siya sa akin at baka bawiin niya.

Pero dahil kaming dalawa na nga, I want to make something special for him. Ipagluluto ko siya ng ulam para sa lunch namin mamaya.

"Good morning din, ang bango niyan ah. Bakit heavy meal na agad breakfast natin Alex?" tanong nitong si Tiffer ng matapos magpapogi.

"Hindi naman ito para sayo, iyang itlog at hotdog lang ang breakfast natin ngayong umaga"

"Eh kanino pala iyang iniluluto mong nilasing na hipon?"

"Papatikim ko ito kay Brixton mayang lunch" nakangiti kong sagot sa kanya.

"Ah, sa crush mo pala. Arayyy!!!!" sinuntok ko kasi yung braso niya. Masakit nga pala katawan niya dahil sa exercise nila kagabi nina Kent at Clifford. Nag-sorry na lang ako sa kanya at inilagay na sa isang maliit na handlebag ang niluto ko. Di ko pa siguro sasabihin kay Tiffer na kami na ni Brixton, sa pagkakaalam kasi niya, lalaking-lalaki pa ito at katulad niya na nagkaka-gusto pa sa isang babae. Buti na lang hindi na ito nangulit pa at kumain na.

Anyway, nag-txt ako kay Brixton na sabay na lang ako kay Tiffer at baka naging busy siya kagabi at napuyat pa. Magkikita naman na kami sa first subject namin.

Pagdating namin ng school, lahat ng mga kaibigan ko ay nakatitig sa maliit na bag na dala-dala ko. Ipinaliwanag ko lang na sorpresa na lang ito para sa lunch namin mamaya. Dinagdagan ko naman ang niluto ko para matikman di ng mga dabarkads ko. Pinagdilatan ko lamang sila ng mata ng muntikan nilang sabihin ang something about sa aming dalawa ni Brixton. Kasama kasi namin si Tiffer na naghihintay kay Brix.

Eksaktong 8:30, dumating naman si Brixton at kitang-kita nga sa kanya na napuyat kagabi. Ang lalim kasi ng mga eyebags niya at halatang inaantok pa ang diwa.

"Good morning sa inyo" bati nito sa mga kasamahan ko tapos biglang lumapit sa akin at bumulong. "Sorry love, I didn't had the chance to text you last night. Good morning by the way" mahina nitong sinabi.

"Okay lang ano ka ba" sabi ko sa kanya.

"Kailangan ba talagang magbulungan?" nakangising tanong ni Tiffer.

"And so" sabi ko at hinila na si Brixton papuntang first subject namin. Naiwan silang kinikilig sa aming dalawa ni Brix maliban na lang kay Tiffer na may katanungan sa kanyang mga mata.

Habang naglalakad kami, napansin din ni Brixton ang bag na dala-dala ko. Sinabi ko sa kanya na pagkain namin ito sa lunch mamaya but I didn't said na kung ano ito at surpise na lang. It's not so special but I cooked this with love. Tinap lang niya ang ulo ko giving me the 'he wants to kiss me so bad' hano daw, heydi namen eh????

Pagpasok ng classroom, naalala ko iyong babaeng naghahanap kay Brixton kahapon.

"Brix, may isa palang babae na naghahanap sa iyo kahapon" sabi ko sa kanya pagkaupo namin.

"Sino daw?"

"Hindi ko naitanong pangalan niya pero maganda, baka girlfriend mo" biro ko sa kanya.

"Sus, malabong mangyari iyon. Baka isa lang sa mga nahuhumaling sa akin, selos ka naman agad" sagot nitong naka-smile hanggang tenga.

"Asa ka" tingin niya sa akin, babae lang. Pagkatapos, napansin ko na lang na pinagtitinginan na pala kaming dalawa nitong si Brix. Naku, mapaghahalata kaming attached sa isa't isa at mapag-chismisan na may something kaming dalawa which actually gusto ko ng ipagsigawan sa buong mundo na kami na and no one will had a chance to be a boyfriend of this guy naming Brixton.

"What are you looking at?" tanong ni Prof. Gilas, titser namin sa calculus. Save by him kami sa pang-uusyoso sana ng mga classmate namin kaso may quiz daw kami ngayon after 5 minutes ang sabi niya. Nagulintang kaming lahat, as in bakit pa namin kailangan pag-aralan ang derivatives chena. Anong relate nun sa paggawa ng bahay di ba? Buti pa siguro kay Tiffer, matutuwa pa iyon kapag ganito na pinag-uusapan.

After 30 minutes.

"Okay lang iyan, bawi ka na lang next time" pagko-comfort sa akin ni Brix. Wala lang naman akong nasagot sa quiz namin. Kalahating minuto ko lang tinitigan ang test paper ko.

"I hate talaga math" bulyaw ko.

"At least math lang ang hate mo" nakangiti nitong sabi sa akin.

"Bakit naman?" takang tanong ko dito.

"Kasi ang Love mo siguro ay ako" boom, ayyyiiieee. Sabihin mong hindi ako namumula.

A/L: Hindi, nangangamatis ka lang.

Alex: Heto na naman si Author, pabida ka na naman.

A/L: Itigil ko na ito gusto mo.

Alex: Ito naman, di na mabiro (^_^)v

Hinila na ako ni Brixton sa next subject namin na history. Usually, tinutulugan ko lang ito dahil madilim sa AVR kapag may pinapanood sila sa amin about sa history ng mga naglalakihang mga famous skyscrapers. Medyo nag-iba naman ngayon, may iba kaming ginawa ni Brix. Mmm, huwag berde dahil magkaholding hands lang kami. May drawing subject din kaming pinasukan bago maglunch break pero dumating din ang takdang oras.

Pumunta na kami ni Brix sa tambayan at malamang ay nandoon na mga dabarkads namin at si Tiffer syempre. Ibabalita ko sana na bumagsak ako sa quiz namin kanina sa calculus pero ayokong masira yung excited mood ko na matikman nila ang luto ko with love lalo na kay Brixton.

"Ano na, papatikman mo na ba niluto mo para sa amin. Ayaw sabihin nitong si Tiffer kung ano pinagkaabalahan mong iluto para amin" mahabang pahayag sa akin ni Ferdy.

"Atat ka masyado, parang yagit lang no" biro ni Tomas kay Ferdy.

"Tama na iyan guys, heto na oh" nilabas ko na ang nilasing na hipon na niluto ko.

"Wow!!!!!" basta, reaksyon nilang lahat with big o in their mouth. Pasinghot-singhot pa. Tapos, pinag-hain ko sila isa-isa. Nagtaka lang itong si Brixton kung bakit hindi ko siya binibigyan.

"Huwag kang mag-alala Brixton, meron ka pa dito" kinuha ko na sa bag yung para sa kanya, nakaseparate kasi sa ibang lalagyanan ang kanya.

"Surprise" masaya kong hinapag ang kanya. Ngunit bakit ganyan ang reaksyon niya, nanlaki mata niya at gulat na gulat ang face look niya. Baka nabigla kasi, iniba ko ang para sa kanya. Hindi nga pala namin dapat ipaalam na mag-on na kami.

"Sabrina?" si Brixton. Napakunot na lang ang noo ko. Ang layo naman ng hipon sa sabrina. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at ngumunguso sila na may tinuturong someone mula sa likod ko. Tumingin naman ako at nakita ko ang babaeng naghahanap kahapon kay Brixton.

"Brixton babe, surpise!!!" sigaw ng magandang babae at lumapit kay Brixton na napatayo sa kinauupuan niya. Suddenly, this girl just kiss her torridly and what shocked me the most. Brixton didn't stop her. And instead he kissed her back. Nakita sila ng mga estudyante at nagsimula na ang crowded.

Naramdaman ko na lamang na unti-unti akong tumayo sa aking kinauupuan at kumakaripas na ng takbo, narinig kong may tumawag sa pangalan ko and I guess, the guy who owns that voice will never be mine. Imbes na sa room ako pumunta, tumakbo ako palabas ng school at nakarating sa isang lumang bahay malapit dito. And all I did was cry.

------------

Tagal kong mag-update no. Super busy ako sa phone ko this day kaya wala akong time mag-type. Btw, I just finished watching fifty shades of grey at nabitin ako sa huli then sinundan ko pa ng the best of me which alam ko na tragedy pero grabe lang, naiyak talaga ako. Ayun, share lang. Enjoy na lang muna at baka next week na naman ang next update haha.

Three is better than Two (Boyxboy)Where stories live. Discover now