Chapter 3: I Have An Idea

3.7K 157 3
                                    

Sa mga Silent Readers diyan, simple lang po ang mag-click na vote. Much appreciated naman kapag nag-comment kayo. kaya vote and comment na.

 ___________________

Alex POV

"Nice meeting you ulit" ang huling bati ko kay Tiffer at naghiwalay na kami ng landas. OA, sa cr pa din yun. Nalaman kong isa siyang Civil Engineer at third year na din siya. Nagbigay din ako ng number sa kanya, pangalawa na siya sa hiningan ko ng pabor at balang araw babawi din ako sa kanila tuwing may iuutos na sila sa akin.

Pumasok na ako ng second subject ko since nasira na ang oras ko dahil sa mga lukaret na iyon. Hindi naman lumipat ng lugar si Brixton at mukhang hinintay niya talaga ako, tanong agad siya kung bakit di daw ako pumasok ng first subject. Sagot ko sa kanya, napuyat ako kakapanood ng yorn haha. Ngumisi lamang siya at halatang di kinagat ang palusot ko.

Sa totoo lang, bakit nga ba ako iiwas sa kanya. Chance ko ng paganahin ang karisma ko sa mga straight guy, di talaga mawala sa isipan ko yung halikang ginawa namin nung mag-truth or dare kami.

"Tulungan mo ako mamaya after class ha Alex" sabi niya pa sa akin.

"Ah, anong bang gagawin natin?" Tanong ko naman.

"May pinapahanap kasi si Dad ng papeles sa kanyang opisina, ikaw pa lang ang mapagkakatiwalaan ko na maghanap eh"

"Hala, pagkatiwalaan talaga. Nangangagat kaya ako" biro ko pa sa kanya.

"Magtigil ka nga, saka di ba sabi mo gagawin mo lahat ng ipag-uutos ko sa'yo"

"Oo na po" huli naming pag-uusap at dumating na ang guro namin.

Buti naman at hindi na awkward ang pag-uusap naming dalawa ni Brixton, parang wala man ding nangyari sa amin.

Oras na naman ng recess at nagkita-kita na naman kami ng mga dabarkads ko, syempre kasama si Brixton.

"Musta Bro, sama ka na ba sa amin mag-gym niyan?" Tanong agad ni Kent kay Brixton.

"Oo pero bukas na lang siguro"

"May lakad ka?" Tanong naman ni Clifford

"May gagawin lang kami nitong si Alex mamaya kaya hindi ako pwede" lahat naman sila tumingin sa akin. Alam ko kung bakit, berde ang mga iniisip ng mga ito. Hindi ko na lamang sila pinansin at naglaro sa ipad mini na dala ni Tomas, buti pa ito tahimik lang.

Lahat sila in-offeran nila ako ng pagkain, nakatingin lang si Brixton sa akin dahil todo care sa akin ang mga kaibigan ko.

"Huwag ka ng mabigla Brixton, kulang kasi baon nitong si Alex kaya lagi namin siyang nililibre tuwing break time"

"Yun ba, di mo naman sinabi agad sa akin Alex. Hayaan mo, simula bukas ako ng manlilibre sayo" parang nahiya naman ako sa sinabi niya. Feeling ko tuloy nakakaawa na ang kalagayan ko, gwapo nga purita naman.

"Ayiiiie, ang sweet mo naman" si Ferdy

"Ayokong lang nagugutom mga kaibigan ko"

"So, pati kami libre na din ba?" Si Tomas

"Hindi ah, may pera naman kayo" lahat sila nagtawanan.

Whoosh, waley akong masabe. Kunwari nakatuon na lang ako sa nilalaro ko dahil nahihiya talaga ako.

Three is better than Two (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon