Chapter 25: Three is Better than Two (Part 1)

2.7K 65 0
                                    

Sa mga nagtiyaga at umabot sa huling yugto ng istoryang ito. Maraming salamat. Naway nag-enjoy kayo kahit papaano sa tatlong tauhan sa kwento. Hindi man malaman at nanahimik lang ang mga readers nito, pinilit ko pa din itong tapusin. Kaya hindi ko na patatagalin pa. Enjoy the last chapter. Two chapters pala ito at spg yung unang part. Kaya binabalaan ko na kayo. Di naman malala, okay.

Chapter 25: Three is Better than Two (Part 1)

Alex POV

Naalimpungatan ako dahil sa kumakatok mula sa labas ng bahay. Nasa loob ako ng kwarto ngunit narinig ko ito dahil sa kalaliman ng gabi. Hinanap ko naman si Brixton ngunit wala naman ito. Bumaba na ako at baka importante ang sasabihin ng kumakatok na ito.

Ng mabuksan ko ito. Si Tiffer ang nakita ko. Gulat at nakapagtataka kung bakit at paano niya nalaman na andito kami ni Brixton. May hindi ba sinasabi si Brix sa akin?

"Baka pwede naman akong pumasok? Asan si Brixton?" Ang tanong na nakapagbalik ng huwistya ko.

"Wala siya dito ngayon, baka may binili lang sa labas. Halika sa loob" pumasok na kami at sinindi ko ang ilaw sa salas. Sa dami ng mga switch, halos isindi ko lahat bago ko nakita ang sa salas. Umupo kami pareho ni Tiffer sa sofa ng magkaharapan kami. "Si Brixton ba ang nagpapunta sayo dito?"

"Oo, nakatanggap kasi ako ng address na text niya kanina sa akin"

"Ganun ba" tumayo ako upang ikuha si Tiffer ng maiinom. Pagkabalik ko sa salas, nadatnan ko na palakad-lakad si Tiffer at hindi mapakali ang mukha nito. "May problema ka ba Tiffer?" Nagulat ito sa tanong ko at umupo ito ulit. Baka galit pala ito sa akin dahil hindi man lang ako nagpaalam ng personal sa kanya.

"Alex?" Ang pagtawag nito sa akin. Tiningnan ko lamang siya at hinihintay siyang magsalita pa. "Habang wala pa si Brixton, nais ko lang malaman ang opinyon mo sa sasabihin ko sa'yo" bigla akong kinabahan sa sasabihin niya.

"Okay??? Tungkol naman saan???"

"Eh kase Alex..." huminga ito ng malalim "Gusto kong sabihin na...ano" tumayo ito at naglakad lakad na naman. Napansin ko pa na parang naiiyak din ito. Tumayo din ako at hinawakan ko ang kanyang kamay dahilan para huminahon ito at tumingin sa akin. "Di ko kayang mawala ka sa akin Alex" biglang pagtatapat niya na ikinagulat ko dahil niyakap niya ako pagkatapos.

"Alex naman, bakit naman ako mawawala sayo. Dahil na naman ba sa pag-alis ko sa apartment mo? Magkaibigan pa naman tayo kahit na umalis na ako sa puder mo no"

"Hindi iyon ang gusto kong sabihin sayo. Ang ibig kong sabihin. Hindi ko kayang mawala ka sa akin dahil mahal kita Alex, higit pa sa kaibigan" bigla akong kumalas sa pagkakayakap ni Tiffer sa akin. Tama ba ang dinig ko. May gusto siya sa akin, pero nakipagbalikan na siya kay Maxene di ba? Bakit niya sinasabing mahal niya ako?

"Prank ito no, kasabwat mo si Brixton. Asan siya nagtatago? Brixton lumabas ka na diyan" pasubali ko sa kabaliwan nilang naisip.

"Totoo ang sinasabi ko sayo. I love you more than a friend Alex!" Sigaw ni Tiffer. Hindi ako makapag-react sa sinabi niya ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwal nito si Brixton na nakangiti.

"Nandito ka na pala Tiffer, pwede ba tayong mag-usap dalawa?" Paanyaya ni Brixton kay Tiffer bagaman napansin nito ang mata niyang lumuluha. Tumango lang si Tiffer sa kanya at iniwan lang nila ako mag-isa na nakatulala sa biglaang pagtatapat niya sa akin. Bakit kaya nagmamadaling kausapin ni Brixton si Tiffer? Hindi man lang ako pinansin.

Brixton POV

Habang natutulog si Alex, naghanap ako ng makakain namin pagkagising niya. Kaso, wala palang stock ng pagkain sa kusina. Pupunta na lang ako ng market to buy foods for us later, sigurado naman ako na tatlo na kami mamaya. I was in my mid-picking up some stuff when my phone rung. Tiningnan ko ang cp ko at si Doc. James pala. Agad ko itong sinagot at baka importante ang sasabihin niya. Tama naman ako ng hinala, he will brought me a good news. Shocking at the same time. Ibinalita niya kasi sa akin na ang pinoproblema ko ay lumapit sa kanya kanina lamang. He didn't say anything daw sa kanya dahil gusto niya ako ang kumompirma nito. Inend na niya ang call niya after binilisan ko ang pamimili ng pagkain.

Three is better than Two (Boyxboy)Where stories live. Discover now