PANGAKO

7 0 0
                                    

PANGAKO

Sa ating muling pagtatagpo
Aking ipapangako na hindi na ikaw ang laman nitong puso

Hindi na ikaw ang laman ng aking isipan
Hindi na ikaw ang dahilan ng aking kasiyahan
At hindi na manunumbalik kailan man ang alaala ng ating nakaraan

Hindi ko maisip kung hanggang kailan ako magtitiis sa mapapait na alaalang iyong iniwan
Hindi ko parin maintindihan kung bakit ang puso ay mistulang sugatan
Kahit alam naman natin na sating dalawa'y walang namamagitan

Oo nga pala, hindi nga pala naging tayo
Wala nga pala ang salitang tayo sa ating diksunaryo.

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now