REYALIDAD

38 0 0
                                    

REYALIDAD


Nabuhay ako sa mundong magulo
Namulat ako sa buhay, na kahit kalayaan ay wala ako
Kahit ang pagiging masaya ay pinagkait sa akin ng mga tao.


Ngunit nakilala ko ang libro 
Libro kung saan dinala ako sa ibang mundo 
Mundo kung saan malaya akong gawin ang gusto ko
At paglakbayin ang imahinasyon ko.


Sa libro nakilala ko ang mga taong minahal ko
Minahal ko kahit malabo silang magkatotoo
Dahil pag natapos ko ang istorya sa libro


Babalik ako sa reyalidad kung saan ang mga tao'y nagkakagulo
Nagkakagulo dahil walang pagkakaisa 
nagkakagulo dahil hindi sila masaya


Kaya nais kong bumalik sa mundo kung saan malaya ako
Kahit pa ang mga tao sa mundong yun ay hindi magiging totoo
Ngunit ang mga tao sa paligid ko ay pinipigilan ako


Sinasabing niloloko lang ako ng istoryang binabasa ko 
Alam ko namang kathang isip lamang ng may akda ito
Pero dahil sa mga sinusulat nila sa libro


Nawawala ang mga isipin ko 
Nakakalimutan ko ang mga problemang pinagdadaanan ko 
Kahit pa ito ay tumatagal lamang ng ilang oras o minuto.


Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now