PAGPAPALAYA

27 1 0
                                    


PAGPAPALAYA

Mahal na mahal kita 

Katagang laging lumalabas sa bibig ko pag nakikita ka

Ngunit bakit tuwing lumalapit ako, umiiwas ka?

Mahal ako pa ba?

O may mahal ka ng iba?


Sa bawat pagdaan ng oras,

Ikaw ang aking hanap

 Subalit ang dating mainit na pagmamahal ay bigla nalang kumupas?

Wagas ang aking pagmamahal kaya pinapalaya na kita mahal

Ngunit wag na wag mong kalilimutan ang katagang binabanggit ko araw-araw


Makahanap man ako ng iba,

Mananatili parin ang alaala

Alaalang binuo natin ng magkasama

Hindi man tayo tumagal

Naranasan ko namang magmahal.

Sa maling tao nga lang

Pero nagpapasalamat ako sayo

Dahil tinuruan mo ako na palayain ang isang tao

Kapag hindi kana mahal nito

Gaya ng ginawa ko sayo.



Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now