PAGSUBOK

18 0 0
                                    


PAGSUBOK


Maraming Pagsubok ang dumadating sa buhay

Ngunit sa bawat pagsubok ay may napupulot na aral

Aral na madadala mo habang buhay

Aral na magsisilbing gabay


At magtuturo sayo na wag sumuko sa anumang bagay

Sa mga araw na sinasabi mong ikaw ay nagiisa

Walang masasandalan kahit isa?

Nagkakamali ka


Dahil sa bawat laban ng buhay ay may kasama ka

Dahil may isang nilalang na laging nandyan para tulungan ka

Sa bawat araw ay nandyan siya

Hindi mo man siya nakikita 


Ay mararamdaman mo ang presensiya at pagmamahal niya

Sa araw araw na nananalangin ka ay nakikinig siya

Dahil ikaw ay anak niya 

Alam mo ba kung sino siya?


Siya ay ang Panginoon

Na kasama mo sa lahat ng pagkakataon

Siya ang tanging solusyon

Sa lahat ng pinagdadaanan mo ngayon.


Ang bawat pagsubok na hinaharap mo ay malalagpasan

Kung gagawin mo lamang siyang sentro ng iyong buhay.

Hindi solusyon ang pagpapakamatay,

Pag hindi mo na kayang solusyunan ang problema sa buhay.

Maniwala at magtiwala 

Na ang bawat problema ay may solusyon

Hindi ka nag-iisa

May kasama ka 

At yun ay siya.




Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now