BAKIT ANG HIRAP?

10 0 0
                                    

BAKIT ANG HIRAP?


Ilang beses ko nang sinubukan

Pilit kitang inalis saaking isipan

Sinasabi sa sariling ika'y kalilimutan

Pero di ko alam kung bakit hindi ko makayanan

Bumabalik sa isipan ang mga alaala

Yung mga panahong akin kapa

Mga sandaling ako pa ang kasama

At ako pa ang sinasabihan ng salitang "Mahal Kita"


Pero paano nga ba kita makakalimutan?

Kung ang larawan nating dalawa'y di maiwasang pagmasdan

Kung ang mga bigay mong rosas ay nakatanim pa rin sa aming bakuran

At ang mga lugar kung saan kasama ka noon ay di mapigilang balikan


Ilang taon din kitang nakasamang masaya

Ilang taon na din pala ang lumipas na wala ka na

Ngunit bakit parang kahapon lang nung sinabi mong ayaw mo na?

Sakit sa puso ko'y di mabawasan at tila lumalala pa


Bakit ang hirap limutin ng kahapon?

Di ko alam kung paano nga ba babangon 

Nalunod na ang puso sa sakit at di na makaahon

At ang alam ko lang ay ikaw ang tanging solusyon.


Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now