INTERNET FRIENDS

8 0 0
                                    


INTERNET FRIENDS


Naging daan ang teknolohiya

Kaya nakilala kita.

Isa ka sa mga taong dito ko lang nakita,

Pero alam mo bang mahal kita?

Hindi pa man tayo nagkikita

Sa puso ko'y may malaking puwang ka.

Internet Friends kung tawagin ng karamihan

Sa araw ng kalungkutan at kasiyahan sila'y laging nandyan.

Sila yung mga taong susuportahan ka sa lahat ng bagay,

Sila yung taong hihilingin mo nalang na makasama lagi sa araw araw na buhay.

Napakarami niyo,

Hindi lang iisa, dalawa o tatlo,

Dahil libo libo kayo.

Alam niyo bang araw araw ay nagpapasalamat ako?

Dahil nakilala ko kayo.

Minsan na papatanong nalang ako,

Anong kabutihan ba ang nagawa ko noon dahil saaki'y binigay niya kayo.

Labis na tuwa ang nadarama,

Kahit araw araw ay sa social media lang tayo nagkikita kita.

Madaming rason para manatili ako,

Isa kayo dun kaibigan koSalamat sainyo

Copyright © Abigael Villano (Gaellicious_13) 2021

Spoken Poetry Collection by Gaellicious_13Where stories live. Discover now