AWfC [12]

1.1K 25 5
                                    

Krysel’s POV

 

December 24

Nagtataka ako kasi walang nanggising o kumatok man lang sa pintuan ko.

“Ephraim?”

 

Walang sumagot sa pagtawag ko. Pakiramdam ko ang lamig ng paligid.

“Ephraim? Oy, wag kang ganyan, labas ka na.”

 

Ang tahimik pa rin. puro tunog lang ng mga kulisap ang pumapasok sa tenga ko.

“Wag mong totohanin yung sinabi mo kahapon oh, di ka pa naman aalis ngayon, di ba? Ephraim, saan ka na?”

 

Naiiyak na ako.

May hikbi na ngang kumawala sa labi ko.

“Krysel, gising...”

 

Naramdaman kong may mahinang tumatampal sa pisngi ko.

Nagmulat ako ng mga mata ko.

“Umiiyak ka,” sabi niya.

“Ha?” pinunasan ko ang pisngi ko at agad ko siyang dinamba tapos niyakap, “walang hiya ka, akala ko umalis ka na, akala ko iniwan mo na talaga ako. Napakasama mo  ang sama-sama mo.” Tinambol ko ang dibdib niya.

“Ano ka ba, relax lang. Di pa ako aalis.”

 

“I-rephrase mo yun, sabihin mo ‘hindi na ako aalis’... dali na...” tumulo ulit ang luha ko.

“Gustuhin ko man, hindi maaari. Alam mo yun, di ba?”

 

“Ayokong alamin.”

 

“Krysel,” tinignan niya ako.

“Wag ka kasing umalis,” wala akong pakealam kung magmukha man akong batang yumayakap sa kanya. Kahit awkward pa tignan, yayakapin ko siya ng ganito kahigpit wag lang siyang umalis. Wag lang siya mawala.

“Ika-siyam na simbang gabi na ngayon ito,” bulong niya sa akin tapos hinaplos niya ang buhok ko. “Pagkatapos ng misa, may sasabihin ako.”

 

“Sabihin mo na, spoiler ka naman eh.”

 

“Wag na muna, maligo ka na, male-late na tayo.”

 

Mabigat man sa kalooban ko, kumalas ako sa kanya at nagtungo sa banyo.

A Wish for ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon