AWfC [2]

2.1K 35 15
                                    

Krysel’s POV

 

“A-ano kamo ang sabi mo? Sinabi ni S-Santa?” hindi talaga ako mapigil ni---kung sino man siya---sa pagtawa. Sino ba ang naniniwala kay Santa Claus?! Baka kung sinabi niya iyon 20 years ago, malamang na naniwala pa ako! Pero ngayon? Gosh! I’m already 23 years old!

Namaywang siya sa akin. “Anong gusto mong patunay para maniwala kang isa akong manika at dinala ako ni Santa dito?”

 

“Weh?” nagseryoso na ako, mukhang seryoso kasi siya eh, pero naiiyak pa rin talaga ako sa kakatawa. “S-sige, tatahimik na ako,” kung nakikita lang siguro ako ng mga katrabaho ko, malamang na mawala na ang respeto nila sa akin. Si Krysel Aquino na walang ibang gustong gawin kundi magtrabaho ng magtrabaho, tumatawa ng ganun? Nah! “Maging manika ka, dali.”

 

“Nakakahilo, e---“

 

“Sinungaling!”

 

“'Eto na!” huminga siya ng malalim tapos pumikit. Dumilat ang isang mata niya, tinaas ko naman ang isang kilay ko, “sige, isang subok pa.”

 

“Wala 'yan---“

 

Natahimik ako at naubo sa kapal ng usok pagkatpos niyang ipitik ang mga daliri niya. Nauubo pa rin ako ng mawala ang usok... at sa harapan ko ngayon ay ang manikang napulot ko mismo sa labas ng aking gate.

“Huh?" bigla na lang umikot ang lahat sa akin.

***

Ephraim’s POV

 

“Makawala naman to ng malay, o,” napa-face palm pa ako pagkatapos kong magkatawang tao ulit. Nakita ko na lang kasi na nakahiga na sa sahig si Krysel, “'di naman siguro masakit ang katawan mo, eh, nuh?” dahil sa tinatamad akong buhatin siya, kumuha na lang ako ng unan sa sofa niya at ipinatong ang ulo niya doon.

Bahala siya.

Mabigat siya eh, hindi ko kayang buhatin, katawan pa lang!

Naupo ako sa sofa habang hinihintay siyang magising.

“Ang labo ng babaeng to,” nakatitig pa rin ako sa kanya. “Inutusan naman talaga ako ni Santa Claus dito sa Pinas para lang sa kanya eh.”

 

Sa dami ng tao sa mundo, siya pa ang natoka sa akin.

Kada-taon, nagpapadala si Santa ng mga alagad niya sa mga taong hindi naniniwala sa pasko, kaya heto ako ngayon, nagbabantay sa isang abbaeng puro trabaho ang bumubuo sa buhay niya at ni hindi man lang magpahinga kahit na malapit na ang pasko.

“Ugh...” ungol niya.

A Wish for ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon