AWfC [1]

3.7K 42 20
                                    

Krysel’s POV

December 15

“Jingle bells! Jingle bells! Jingle all the way! Oh dust pan, electric fan, kaldero at pinggan! Hey! Namamasko po!”

Hayan na naman ang mga namamasko na iyan! Kaya ayaw kong naglalagi sa bahay, e. Kung bakit ba naman kasi ang haba ng holiday na binigay ng kompanyang pinagtatrabahuan ko. Puwede namang sa December 25 na lang kami bigyan ng Rest Day.

Kung 'di ako nagkakamali, pampito na iyang lalaking iyan na kumakanta sa labas ng gate ng bahay ko pero sa lahat ng namamasko, siya lang itong makapal ang mukhang minali-mali na nga ang lyrics ng Jingle Bells, ipinagsigawan na nga 'tapos 'di pa rin tumakbo palayo. May ‘namamasko po’ pa talaga sa dulo. Ang kapal lang din niya.

“Go away!” bulyaw ko sa intercom na nakakabit sa labas ng bahay.

“Hindi ba puwedeng bigyan niyo muna ako ng kahit na limang piso lang?”

Aba, sumasagot? Ang kapal! Limang piso pa talaga? Huh!

Kung bakit ba naman kasi ngayon pa nasira ang CCTV camera doon sa gate kaya heto, 'di ko makita ang pagmumukha ng lalaking iyon. Nakakainis. May ginagawa akong paper works kahit na holiday ‘daw’ kasi ayoko namang maburyo lang sa bahay. Iniwan ko muna ang mga iyon at lumabas.

Maturuan nga ng leksiyon ang lalakeng yun. May dala rin akong ten pesos para maibigay sa kanya at manahimik na siya at nang umalis na siya.

Binuksan ko ang gate, “oh, heto pamasko---“ napatigil ako at luminga-linga sa paligid. “Nassan na iyon?” luminga ulit ako. “Sabi na nga ba’t nakadama rin ng hiya ang walanghiya.” Walang katau-tao sa paligid kasi naman mamayang madaling-araw na ang simbang-gabi  at lahat sila’y maagang matutulog.

Psh. Simbang gabi. Ano bang meron doon? Magpapakapuyat ka lang.

Pinaikot ko ang mga mata ko, sana naman at hindi na bumalik pa ang lalaking iyon kung sino man siya. Walang magawa sa buhay kaya nanloloko na lang. Magaling! Umatras na ako para pumasok uli pero may nasanggi ang paa ko.

“Whoever put this trash here must pay!” nakakapang-init ng ulo. Baka iyong lalaking may tililing ang may gawa nito, nag-iwan lang naman siya ng isang rug doll na guy version.

Pinulot ko iyon at dinala sa loob ng bahay. Wala kasing basurahan sa gilid ng kalye kasi 'di pa naman araw ng pangongolekta ng basura. Pagpasok ko ay agad kong nilagay sa trash bin ang manika. Maayos naman ang lagay niyon kaso wala ako sa mood magtago ng isang manika na hindi ko alam kung ginamit ba sa pangungulam o ano.

Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon.

“Hello?” pinaikot ko ang mga mata ko, “'ma, hindi ako makaka-attend sa simbang gabi na iyan. No and I’m not sorry for that. Next time na lang.” Ibinaba ko na bago pa nila ako makulit uli.

Kailan ba sila titigil sa pag-aaya na pumuntang simbang gabi? Kaya nga ako humiwalay ng tirahan sa kanila ni Kuya kasi ayoko ng pinipilit ako.

“Who-uh-oh, all the single ladies! All the single ladies!”

What the---?!

Lumingon ako at nakita ko ang isang lalake na naka-puti ang polo, pants at maging sapatos, umiilaw siya! LITERAL!

“Who the hell are you?!” bulyaw ko. Humagilap ako ng puwedeng pamalo sa kanya. Nahawakan ko ang vase na regalo pa ng isang office mate ko, nausal ko pa ang pangalan niya kasabay ng paghingi ng tawad kung masisira man ang regalo niya.

Napatigil siya sa pagsasayaw. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Nakuha pa niyang ngumiti?!

Nag-bow siya sa harapan ko. Na-freeze ang katawan ko habang tinititigan ang kulay asul niyang mga mata.

“Kamusta ka? Ako nga pala si Ephraim,” 'tapos ay ginagap niya ang kamay ko. “Joke! 'Di ko hahalikan kamay mo, 'ne,” tumawa pa siya. “Oy!” pumitik pa siya sa harap ng mukha ko.

“Sheez!” lumayo ako ng kaunti at hinila ang kamay kong hawak niya. “Sino ka ba? Paano ka nakapasok dito?” luku-luko 'to, a!

“Pinapasok mo ako---let me rephrase that, binuhat mo ako papasok dito.”

“What?!” tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at pabalik ulit sa ulo niya. Ako talaga pinaglololoko nito.

Tinakpan niya ang tenga niya, “aww, relax.”

“Ihahambalos ko ito sa pagmumukha mo kapag 'di ka lumayas NGAYON DIN sa harapan ko!” iniamba ko sa kanya ang hawak kong vase. “Rape! Rape! Mga kapitbahay, may rapist!" napaos na ako’t lahat pero wala pa rin siyang reaksyon, tanging poker face lang. “Hindi ka ba tatakbo palayo o magtatago man lang?!”

“Why? Hindi ako rapist. At baka imbes na ako ang dalhin sa kulungan ay ikaw pa ang ipadala sa mental,” lumapit na naman siya sa akin at napaatras lang ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader na linapatan ng likod ko, “sa tindi ba naman ng security ng gate mo, sa tingin mo makakapasok ako dito ng gano'n-gano'n na lang?”

“Pe-pero---“

“Ako 'yong namasko sa labas.”

“H-ha?“

“Ako rin 'yong manika sa labs.”

Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos ay hinawakan ko ang noo ko at minasahe iyon, hihimatayin yata ako. “Baliw ka ba?!”

“Kasasabi ko lang na manika ako eh tapos ngayon tatanungin mo ako kung baliw ako? Ang labo mo, Krysel!” dinutdot pa niya ang noo ko.

“Kilala mo a-ako?!”

“Oo, sinabi ni Santa.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay halos mapaiyak ako sa kakatawa. Natulak ko pa siya at patuloy pa rin ako sa walang sawang pagtawa. Okay, aaminin ko na, magaling siyang magpatawa.

A Wish for ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon