Chapter Eight

2K 60 15
                                    

4 years later....

"Bakit ba ayaw mong tanggapin ang alok ko na maging escort mo sa party natin Den?"

Tanong ng isang blockmate niya. May tribute to graduate kasing anual na ginagawa sa school to give tribute to the graduants before leaving the campus.

"Baka kasi masapawan mo lang ako sa gabing yun, Luis." Sagot ni Dennise kay LA.

Gusto na niya itong layuan. Talagang hindi niya feel makipag-usap dito. Kung alam lang niya na male-late ang teacher nila, sana pala niyaya niya muna ang mga kaibigan niyang tumambay sa canteen, o kahit saan basta malayo sa LA Revilla na to.

"Paano naman kita masasapawan?"

She almost rolled her eyes. Sawang- sawa na siya sa kahinaan nitong pumick up ng mga ibig niyang sabihin. Minsan talaga naiisip niya na baka kaya ayaw nito itigil ang panliligaw sa kanya ay dahil hindi nito gets na binasted na niya ito.

Simula first year sila hanggang ngayon ay nanliligaw ito sa kanya. Ilang beses nadin niya itong tinapat na wala itong aasahan sa kanya pero ni minsan ay di ito nadiscourage sa panunuyo.

"Ano nga kasing ibig mong sabihin Den?" Tanong naman nito ulit sa kanya.

Sinenyasan niya na ang kaibigan niyang si Ella na ito na ang sumagot sa tanong ni LA. Oo, may mga naging kaibigan nadin naman siya. Medyo mataray ito kaya alam na alam niyang kayang-kaya nitong prangkahin ang ka-klase nila.

"LA, sobrang maporma ka kasi kaya malamang masapawan mo si Dennise sa gabing yun. At iyon ang ayaw na mangyari ng kaibigan ko. Gets?" Ngumiti naman ang lalaki.

"Ganub ba? Madali lang namang solusyunan 'yon. Hindi ko nalang isusuot ang Armani na ipinadala ng ate ko from NY para hindi naman ako maging takaw pansin."

Dennise rolled her eyes. Grabe talaga ang hangin nito sa katawan.

"Jusko LA... Ikaw lang ang may 'afford' na magsuot ng ganoon kabonggang damit. Kaya bakit di mo isusuot? Baka gwapong gwapo ka doon."

Napangiti siya sa sinabi ni Freda. "Alfred" ang pangalan nito pero nananabunot ito kapag tinatawag ito sa tunay na pangalan nito. As usual, iniinsulto nito si LA. Pero as usual din, clueless ang lalaki na ginagawa na itong katatawanan ng kaibigan niya.

"Ayoko naman kasing sapawan si Dennise sa party dahil sa suit ko. I want to give her that night. Kaya siguro, magse-settle nalang ako sa Hugo Boss na suit na padala naman ng kuya ko galing L.A"

"Juice colored! Talagang ayaw sumuko ng lolo! Ang hangiiiin!" Patiling sabi ni Freda.

Nagtawanan silang magkakaibigan. Na-freeze lang ang ngiti niya nang makita ang babaeng nakatayo sa labas ng room nila. Matamang nakatingin si Aly sa kanya. Kahit malayo ang pagitan nila, she could her knees buckling with her intent gaze.

"Nasa labas pala ang doberman mo Den." Malakas na sigaw ni LA.

Halos lahat tuloy ng mga kaklase nila napatingin sa pinto. Lalo tuloy siyang nainis kay LA dahil sa paglalagay nito kay Aly sa spotlight.

"Ang gwapo namang doberman ni Aly. Yummilicious pa. Parang gusto ko na tuloy magpakagat sa kanya. Kesehodang magka-rabies pa ako." Malanding sabi ni Freda.

"Ano bayan bakla? Wala ka namang ka-taste taste. Ang jologs naman ng pinaglalawayan mo. Kung hindi pa dahil sa limos ng pamilya nina Dennise, siguradong can't afford naman si Aly na mag-aral dito sa school natin." Komento ni LA na ikinagalit ni Dennise.

"Ang hangin talaga!" Sabi niya nalang at inirapan si LA.

"Mahangin ba? Hindi naman naka on ang AC Den ah. Giniginaw ka?" Tanong ni LA na ikinatawa nina Ella. Ang hina talaga.

Healing Hearts (ON HOLD)Where stories live. Discover now