Chapter Four

2K 56 9
                                    

Hindi mabilang ni Dennise kung ilang beses siyang lumingon para tingnan kung may taong sumusunod sa kanya. Pero wala naman siyang nakitang ibang tao sa bahaging iyon ng hacienda.

Nasa loob siya ng greenhouse kung saan naroon ang iba't ibang pananim ng kanyang ina. Hanggang sa labas lang niyon ang mga bodyguards dahil restricted area iyon, ayon na rin sa utos ng kanyang ina. Naii-stress daw kasi ang mga halaman nito kapag maraming tao sa loob ng greenhouse. It was a running joke between the two of them. Sa kanyang mama lang niya naririnig na naii-stress pala ang halaman. At dahil nga restricted area iyon, wala dapat tao dun maliban sa kanya.

You're being paranoid again, Dennise! Napapailing na sabi niya sa sarili. Hindi parin siya bumabalik sa normal. Kahit na madalang nang umatake ang depression niya, hindi parin nawawala ang matinding guilt sa dibdib niya.

Umupo siya sa isa sa mga wooden benches na nakalagay  sa harap ng iba't ibang kulay ng roses. Inaliw niya ang sarili sa pagtitig sa makukulay na mga bulaklak.

Pinanood niya ang paglipad ng mga paru-paro sa paligid. Dati ay nare-relax siya kapag nasa loob siya ng greenhouse, but now, she could feel the difference . Talagang binago ng  trahedya ang buhay niya. She could not think of happy thoughts now. Dati ay wala siyang iniindang problema sa buhay.

Gulat na lumingon siya nang makarinig  siya ng kaluskos sa bandang likuran niya. Gumalaw ang mga halaman sa dakong iyon. Mabilis siyang tumayo at lumabas sa greenhouse.

"Ms. Lazaro may problema po ba?" Tanong ng isang unipormadong security men na naka-duty sa labas ng greenhouse. Inilibot niya ang paningin niya. Literal na nakakalat sa paligid ang mga security men niya. "Ms. Lazaro..." untag ulit sa kanya ng kaharap. Umiling naman siya.

"W-ala. W-alang problema. Babalik na ako sa Villa." Nagmamadaling lumakad siya patungo sa villa. Napu-frustrate na siya kasi kahit nasa loob lang siya ng hacienda, hindi na safe ang pakiramdam niya.

She could feel eyes watching her.

"Hija, saan ka nanggaling?"

"Yay!" Nagulat siya nang marinig ang boses ng kanyang mama. Napatalon pa siya sa sobrang pagkagulat.

"Ay ano bang nangyayari sayo Den? Matagal na naming napapansin ng daddy mo ma nagiging magugulatin kana. Ang bata mo pa para magkaganyan."

"Ewan ko ba Mommy. Parang feeling ko, laging may sumusunod sa akin."

"You're  just being paranoid hija."

"Yeah I know." Bumuntong hiningang sabi niya.

"Halika, doon tayo sa komedor." Yakag nito sa kanya.

Nagpaakay nalang siya rito papasok. Nababaliw na nga yata siya kaya kung ano ano ang nararamdaman niya. Ilang buwan narin naman kasi siyang nasa loob ng hacienda. Wala siyang makausap dahil laging busy ang mga magulang niya.

"Mom, papasok naman na siguro ako this coming school year, no?" Usisa nalang niya sa mama niya.

"Ofcourse naman, hija. Hindi naman ako makakapayag  na ma delay ka nang husto sa pag aaral mo." Napangiti siya sa ainabi nito.

"Nami-miss ko na kasi ang mga classmates ko." Nalungkot naman siya nang maalala niyang maiiwanan na siya kasi uulitin niya ang sem na iyon. "Nakakasad lang kasi mahuhuli na ako sa kina Mika. Sa iba ko pang classmates."

"Huwag mo nang problemahin yan, hija. Because you're transferring to another school." Napakunot ang noo niya. Seryoso ang mukha niya.

"What do you mean  na magta-transfer ako ng ibang school? Mom, ayokong mag aral sa Saint Paul." Aniyang ang tinutukoy ay ang kalaban ng private school na pinapasukan niya.

Healing Hearts (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon