Chapter Ten

1.9K 61 21
                                    

A/N: Hello!! Kamusta, kamusta? Haha I'm soo back guys. Grabe, namiss ko kayo. Sa mga nangungulit, ito na, ito na :) Happy reads ;)
_______________________________________

Ilang beses na napabuntong hininga si Den. Hanggang ngayon di niya padin matanggap na ipinagpalit siya ni Aly sa Tricia na yun. Hanggang ngayon, di niya padin matanggap na natalo siya ng Tricia na yun. Kahit ano yata talagang gawin niya wala na siyang pag asa. 

Harap Harapan ang panre-reject ni Alyssa sa kanya. Harap harapan ang pamababalewala ni Aly sa kanya. Ngunit ang di niya maintindihan ay kung bakit kahit na ginagawa na siya nitong gaga, nagpapakatanga padin siya. Kahit nagmumukha na siyang kawawa, nagpapakamanhid nalang siya. Wala, mahal niya talaga. Pero minsan naiisip niya, ano bang meron sa Aly na yun? Kung tutuusin naman kasi madami naman humahabol siya. Pero siya, ito habol ng habol sa taong ayaw naman siyang pansinin.

Kailan mo kaya ako mapapansin, Ly? Dennise thought as she heaved a sigh. Kakauwi lang nila ng mama niya galing sa pagpapasukat ng damit na isusuot niya. And until now, she could not believe na nagpagawa pa talga siya ng damit para lang sa party na yun. para lang mapansin siya ni Aly. 

Ang hirap hirap naman ng buhay ko. I really wish na sana pwedeng turuan ang puso. Sana. She thought again. Natigilan naman siya nang may biglang lumapit sa kanya.

"Bakit ka nag cut ng class kanina?"

Tiningnan ni Dennise si Aly. Kumakain siyang mag isa ng dinner kasi di na bumaba ang kanyang ina para saluhan siya.

"Bakit ka nag cut ng klase mo, Señorita?" Tanong uli nito.

"Ano naman sayo?" Balik tanong niya. At bumuntong hininga si Aly.

"Bakit hindi ka man lang nag inform? Bakit hindi mo ako tinext na wala kana pala sa campus? Ang tagal kong nag antay sayo."

"Nalow batt ang cellphone ko." Maikling sabi niya.

"Sana naman naghanap ka ng paraan para masabihan ako. Nag alala ako sayo kanina."

Kumunot ang noo niya. Bago para sa kanya ang sinabi nito. Sa unang pagkakataon, noon lang nito sinabing nag alala ito sa kanya. Pero mabilis niyang itinaboy iyon sa kanyang isip. Responsibilidad nito ang kaligtasan niya, kaya ganoon. Besides, mainit parin ang ulo niya dito.

"Wala namang masamang nangyari sa akin diba? I'm home, safe and sound. Kaya tumigil ka na sa pagpuputok ng butse mo." Mataas boses na sabi niya.

"Bakit ka nagagalit sa akin?" Hindi siya kumibo. "Issue parin ba ang pagtanggap ko bilang escort ni Tricia?" Aly asked. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Wala na sa akin yun Alyssa. Magsama kayong dalawa for all I care."

"Bakit nanggigigil ka?" Tanong nito ulit.

"Dahil iniistorbo mo ang pagkain ko. Will you please leave me alone so I can eat in peace?"

Ilang sandaling tinitigan siya nito.

"Huwag na sanang mauulit na na umuwi ka nang hindi nagpapaalam sa akin Ma'am Den. Ayokong masisi kapag may nangyaring masama sa'yo"

Hindi siya kumibo. Nanggigigil siya dahil kailangan pa nitong isampal sa mukha niya na ang trabaho parin nito ang main concern nito kaya ito nagtatalak. Wala siyang kibo kahit na umalis na ito sa komedor.

Kung kaya niya lang sana talagang huwag na itong pansinin habang buhay.

------

"Girl, ingat ka, baka makapatay ka through your deadly stare."

Inirapan ni Den si Freda sa pang aasar nito sa kanya. Pero ibinalik din agad niya ang tingin kina Aly at Tricia na nagsasayaw sa dance floor. Sumapit nadin ang tribute to graduates nila at siya, di man lang makuhang magsaya.

Healing Hearts (ON HOLD)Where stories live. Discover now