Chapter Six

2.2K 63 5
                                    

Bumilis ang tibok ng puso ni Dennise nang makita niya si Aly na nakatayo sa tabi ng SUV na sasakyan nilang mag ina papunta sa airport. Ang araw na iyon ang alis nila papuntang Manila. Walang sinabing kahit ano ang papa niya na kasama nila si Aly na luluwas.

"Hi..." nahihiyang bati niya rito. Madyado yata siyang halata na excited siyang makita ito.

"Good morning po Ma'am Dennise!" Ganting bati nito sa kanya na ikinatuwa niya.

"You're coming with us?" Tanong niya at isang simpleng tango ang itinugon nito. "As in doon ka nadin titira sa Manila kasama namin?" Paniniyak niya. Muli ay tumango ito. Sinundan niya ang direksyong tinitingnan nito. Nakita niyang papalapit ang mga magulang niya.

"O Baldo, ikaw na ang bahala sa mag ina ko dun sa Manila. Huwag mo silang pababayaan." Bilin ng ama niya rito.

"Makakaasa po kayo Mayor."

"Huwag mong hahayaang ligawan agad yang dalaga ko roon. Bantayan mong mabuti yan." Dagdag ng papa niya.

"Ako na po ang bahala Mayor." Sagot naman nito.

"Kailan mo ba kami dadalawin dun, Dad?"

"As soon as makalibre ako sa trabaho ko rito, pupuntahan ko kayo agad roon. Magpapakabait ka doon, Dennise." Sumimangot siya sa  sinabi ng ama.

"Lagi naman akong mabait ah." Nakalabing sagot niya.

"I mean mas mabait pa sana." Sabi nito sabay baling sa kanyang ina. "Huwag muna kayong lumabas ni Dennise agad. Unless, importante talaga. Huwag mong kakalimutan yung pinag usapan natin kagabi. Call me agad pagdating na pagdating niyo roon." Tumango naman ang mama niya.

"Hindi ko nakakalimutan 'yon. Mag iingat karin dito." Tumango ang papa niya.

"Hindi nila ako madadale sa balwarte ko."

"Huwag kang masyadong lalabas ng bahay. Sa quarters ka nalang mag entertain ng mga bisita." Bilin ulit ng kanyang ina.

"Yes boss!" Saludo ng kanyang ama. "Osige na, sumakay na kayo para makarating kayo ng maaga sa airport."

Tumalima sila, humalik muna si Dennise sa pisngi ng Ama.

Ipinagbukas siya ng pinto ni Aly bago ito sumakay sa unahan ng SUV. Pinagitnaan naman sila ng kanyang ina ng dalawang malalaking bodyguards sa backseat. Namiss na naman niya ang dalawang close in security guards niya pero mabilis niyang inalis yun sa isip.

She would move on. May dahilan kaya nabuhay siya mula sa ambush na yun and she would make sure that she would carry on that mission.

Ilang sasakyan ang nag convoy sa kanila bukod sa maraming motorsiklo na humawi sa daraanan nila. Pagdating nila sa airport ay mabilis silang isinakay sa private plane. Nilingon niya si Aly na naka upo sa likuran katabi nito si Manong Esteban na close in security ng kanyang ina. Nakatingin ito sa labas ng bintana, wala siyang mabasang kahit na anong emosyon sa mukha nito.

Inamin na ni Dennise sa kanyang sarili na Crush niya si Alyssa. Para sa kanya normal lang iyon dahil sinagip nito ang buhay niya at wala naman talaga sigurong kokontra na napakagandang-guwapo nito. Walang panama rito ang naging ibang crushes niya kahit pa sabihing mga lalaki ang mga iyon. Kaya biglang naglaho ang lahat ng naging crush niya. Si Aly nalang ang nag iisang crush niya ngayon.

Aly's character is deep. Sa nga pagkakataon na hindi nito alam ay pinagmamasdan niya ito ng lihim. Everytime she thinks na walang tumitingin sa kanya ay lumalabas ang lungkot sa mukha nito. And Dennise witnessed all those.

She would love to befriend her. She is dying to  discover Aly's secret kung bakit ganun nalang ang lungkot sa mukha nito.

In time Dennise. In time..

Healing Hearts (ON HOLD)Where stories live. Discover now