Pinapaasa o Umaasa?

228 6 5
                                    

[9:05 PM; June 6, 2022]

"Sa tropa kong bugok,

Hello, bugok. Alam kong hindi mo ito mababasa kahit kailan man. Alam kong kahit anong pagpapahalaga mo sa akin, siya pa rin hanggang sa huli. Naalala ko pa noong mga panahong nagpapahalata ka.

Naalala mo noong naging groupmate kita sa isang project? Naaalala ko pa noong late na sa gabi tapos nag-uusap tayo through google docs. Weird, no? Instead na i-chat mo ako sa discord, sa google docs ka nakipag-usap sa akin.

Siguro kasi hindi mo ulit makikita yung mga tinype at dinelete na mga bagay-bagay sa file kaya nakipag-usap ka na lang sa akin sa google document na shinare ko sa group natin para hindi ma-backread ng kung sino man.

Naalala ko din yung mga ginagawa natin sa discord status natin HAHAHA. Naaalala mo pa ba na nag-uusap tayo through discord status? Yung may sasabihin ka sa discord status mo tapos nire-replayan ko HAHAHA.

I miss those times. I miss those times na lagi tayong nagba-bardagulan sa status natin, I miss those times na nag-bibiruan tayo, I miss those times na nagpapapansin ka sa akin saying na ako yung talagang gusto mo.

The more I got to know you, the more I fell for you. You're just that guy na hindi ko inakala na makaka-vibe ko, but I was wrong about you. Hindi pala ako yung talagang gusto mo.

Akala ko ako na eh. Umasa lang ako sa wala. Bakit ba ang daming lalaki na pinaparamdam sa akin na may chance ako sa kanila tapos maya-maya malalaman ko na lang na may iba pala?

Laruan ba ako para paglaruan ninyo? Isa ba akong barbie doll na kung napagod na kayo sa akin, maghahanap kayo ng panibagong laruan? Ganun lang ba ako sa inyo?

Ikaw, you made me feel really good about myself. You comfort me, you "flirt" with me, you make me laugh a lot, you do a lot of things that make me feel happy, but what?

Hindi pala ako. So, bakit kailangan mong gawin ang lahat ng iyan kung hindi rin naman pala ako ang iyong magugustuhan? Hindi ako tanga. Mahal kita at hanggang ngayon di ko alam kung bakit minamahal pa rin kita.

Noong sinabi mo na gusto mo siya, hindi ko alam kung paano magre-react. Bakit ba lahat ng lalaking pinaparamdam sa akin na may something sila for me, nagkakagusto sa iba? Sumasaya ba kayo kapag may pinaglalaruan kayo?

I support your love for her pero hindi rin naman tama na may pinapaasa kang babae. Or maybe hindi mo ako pinapaasa...

Tapos ako pala yung umaasa, diba? Yun yung problema eh. Hindi ko alam kung pinapaasa ba ako o umaasa lang. Pinapaasa ba ako na may gusto siya sa akin o umaasa akong may gusto siya sa akin?

Hindi ko alam. Hindi ko na talaga alam. Sa sobrang gulo ng buhay ko, hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. Nakakapagod na. Ako yung napapagod. Hindi ko alam kung may something ka ba for me or umaasa lang ako na meron.

Hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam kung anong totoo. I love you. I really do. I like the way you treat me, the way you make me feel and the way you act around me.

Tol, I really love you and I'm sorry that I love you. Minsan napapaisip ako sa sarili ko... "Nagkagusto ka ba talaga sa akin o prank lang ang lahat ng iyon?"

I know we're still young but I just can't help but feel this way. I'm really sorry for being so selfish. I'm sorry...

Hoy baliw, if ever comes the day that you confess to her about how you feel, express yourself with all your heart. Express yourself about how you feel about her. At kung maging kayo...well...

Congratulations to you two. Alam kong wala naman talagang tayo so wala akong karapatan magselos. From here on out, I'll support your love for her. Pinapalaya na kita at pinapalaya ko na rin ang sarili ko.

Kung ako'y pinaasa mo lang, sana hindi yun gagawin sa kanya pero kung ako yung umasa na merong ganap sa ating dalawa, sana mapatawad mo ako na minahal kita. I'm really sorry, goodbye.

From your dearest tropa,

Cali"



To be continued...



LOST MEMORIESWhere stories live. Discover now