KumanderJuanDer

Huy! May nagbabalik!
          	Abangan ang kapana-panabik na kuwentong ito na siguradong aabangan ninyo tuwing linggo! Pero bago ’yon, sino kaya sa mga karakter sa naunang dalawang libro ang sa tingin mong bibida rito?
          	
          	For more updates, follow me on my Facebook page:
          	https://www.facebook.com/JCPamplonaStories/

KumanderJuanDer

Tahimik na namumuhay sa Sta. Elena ang mag-asawang sina Mang Tino at Aling Constancia. Noon pa man ay ninais ng mag-asawa na magkaroon ng anak subalit sa mahigit limang taon nilang pagsasama ay hindi sila biniyayaan ng supling. 
          
          Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nakilala nila si Lucero at ang anak nitong si Grizelda. Nang mamatay si Lucero, inako na ng mag-asawa ang pag-ampon sa nag-iisa nitong anak na babae. Subalit wala sa kanilang kinamalayan na ang batang babae palang kanilang inalagaan ang maglalagay sa kanila sa bingit ng kamatayan.
          
          https://www.wattpad.com/1381060560-the-evil%27s-daughter-prologo

KumanderJuanDer

"I don't love you anymore!" sigaw ni Eli at sa pagkakataong iyon ay matalim ang naging titig sa kanya nito.
          
          Sa pagkabigla, nalaglag ang panga ni Cassy. Hindi niya alam kung paano niya ia-absorb ang mga narinig niya kay Eli. Wala ni isang salita sa mga binitiwan nito ang kaya niyang tangapin sa mga oras na iyon.
          
          "What?" Nangingilid ang mga luhang pumatak sa mga mata ni Cassy. Hindi na niya napigilan pa iyon. Sa pangalawang pagkakataon, dumapo muli sa mukha ni Eli ang palad ni Cassy. "Gano'n na lang ba 'yon? Basta-basta mo na lang itatapon ang lahat? I don't deserve this, Eli."
          
          Sa lakas ng pagkakasampal niya sa binata ay hindi kaagad nito nagawang ipaling ang mga mata sa kanya. Mahirap para kay Cassy na saktan ang lalaking iniibig pero hindi niya hahayaang makabawi man lang dito. Alam niyang masakit ang sampal na natamo ng kasintahan sa kanya pero mas doble ang sakit na nararamdaman niya kumpara sa ginawa niya kay Eli.
          
          "I didn't love you. You are just one of those girls na pinaglalaruan ko lang ang feelings. Na-challenge lang ako. But you're just like them. An easy-to-get slut I met." And another slapped for Eli. Hindi na niya deserve ang ganoong mga salita kaya hindi na siya nakapagtimpi pa. Matapos ang napakalakas na sampal na ipinukol niya sa binata ay basta na lang ito umalis at hindi man lang siya nilingon.
          
          https://www.wattpad.com/1377411833-mu-series-the-gentle-bully-chapter-56

KumanderJuanDer

"Eli, can we talk?" tanong ni Cassy sa kanya nang makalapit na ito sa kanya ng ilang metro.
          
          "Follow me. Let's talk privately," he commanded.
          
          Nagpatiuna siyang maglakad na hindi man lang nililingon si Cassy. Hindi niya ito magawang titigan sa mga mata dahil habang tumatagal na kaharap niya ito ay mas lalong bumibigat ang kanyang pakiramdam. Ayaw man niyang saktan ang babaeng pinakamamahal pero iyon lang ang tanging paraan para maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa.
          
          Sa isang bakanteng lote ng eskwelahan sila pumunta kung saan silang dalawa lang ang naroroon. Sinigurado niyang walang nakasunod sa kanilang dalawa. Humarap siya kay Cassy pero hindi niya ito tinitingnan sa mga mata. Pigil din ang sariling bumuhos ang luha niya. Tila napupunit ang puso niya habang kaharap si Cassy. Paano ba niya sisimulan ang sasabihin?
          
          "Eli, bakit bigla ka—"
          
          "Let's break up." Hindi na niya hinintay pang pakawalan ni Cassy ang mga susunod na sasabihin. Labag sa kalooban niyang banggitin ang mga katagang binitiwan ay alam niyang iyon paraan para maisalba pa ang kung ano mang mayroon sila. 
          
          https://www.wattpad.com/1377126846-mu-series-the-gentle-bully-chapter-55

KumanderJuanDer

"No! Dapat dito sa anak mo, magtanda." Kinuwelyuhan siya ng ama at tiningnan siya nang masama. Pero sa halip na manlaban ay hindi niya magawang makipagtagisan ng tingin sa ama. Paano niya magagawa iyon at aaminin ang dahilan ng pagkawala ng malaking pera sa bank account niya kung ang tunay na dahilan nito ay siyang magiging dahilan para mas lalo pang magalit ang ama sa kanya? "Where did you put—"
          
          "I almost killed him." Napatigil ang ama niya sa sasabihin nang lumabas mula sa bibig niya ang mga katagang iyon.
          
          "What?!" Gumuhit ang kalituhan sa mukha ng ama niya.
          
          "I spent half a million pesos for his hospitalization. Hindi ko sinabi sa inyo dahil alam kong poproblemahin n'yo ni Mame ito." He was ready to confess everything. Bahala na kung ano'ng susunod na mangyari. Kung makukulong siya after what he did, he would accept all the consequences that he deserved. Kung iyon lang ang magiging paraan para mapatawad siya ng lahat, tatanggapin niya nang bukal sa kalooban.
          
          "Eli, what are you saying?" Marga hugged him and comforted him. Doon niya naramdaman ang mas pagbigat ng nararamdaman at bumuhos lalo ang luha. 
          
          "I almost killed the person who is important to the one that I love."
          
          Chapter 54 is now updated!
          https://w.tt/47KcYsI

Celeste-moon

KumanderJuanDer

Mama, Papa, si Eli po. . . b-boyfriend ko." Ang lalaking nagbabasa ng diyaryo ay napatigil sa pagbabasa nang marginig ang sinabi ni Cassy habang ang babae namang katabi nito ay napatingin sa kanya mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ang buong pagkatao niya. 
          
          "H-Hello po." Tila ba naging tuod silang dalawa na humarap sa mga magulang ni Cassy. It was the first time he will introduce himself to the parent of his girlfriend. Kaya ganoon na lang ang naging kabog ng kanyang dibdib nang makaharap ang mga magulang ng kanyang kasintahan sa kauna-unahang pagkakataon.
          
          Tumayo ang lalaki sa at lumapit sa kanya. Maging ito ay tinitigan siya at sinuri mula ulo hanggang paa. "Boyfriend?" wika nito bago bumaling ang tingin kay Cassy. "Kailan mo pa balak itago sa amin na may boyfriend ka na pala?"
          
          "Sir, I just-"
          
          "I'm not talking to you."
          
          Hindi akalain ni Eli na sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapahiya siya nang ganoon. Tila nanliit siya at hindi nagawang makapalag sa kaharap. Nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan at mabilis na kabog ng dibdib sa lalaking kaharap.
          
          ‘Ito na yata ang katapusan ko. . .’
          
          https://www.wattpad.com/story/302440430-mu-series-the-gentle-bully