geroverse
As the title says, oo, assuming ako.
To the point na nasaktan talaga ako-ng slight lang naman. Slight lang kasi inassume ko na rin naman na hindi niya ako gusto.
Pero siyempre, tamang asa lang sa gedli, nagbabakasakaling maalala niya na nandito ako, 'di ba?
Ito ang kwento ng mga pa-fall na hindi naman talaga malalaglag, ng mga ngiti na akala ko para sa akin, at ng mga 'baka' na kinapitan ko nang sobra.
Minsan kasi, sa sobrang dami ng iniisip mo, hindi mo na alam kung totoo pa ba o gawa-gawa mo lang.
Pero 'wag kayo! Hindi lang 'to tungkol sa crush!
Minsan inakala ko buntis ako - 'yun pala, busog lang.
Minsan akala ko may secret admirer ako - 'yun pala, mali lang ng bigay ng flower si kuya.
Minsan akala ko inaaway na ako - eh antok lang pala siya.
Welcome to my diary. Kung saan lahat ng 'akala ko' ay naging 'ay, ganun pala'. Pero madalas ay "hala mali pala."