Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng bahay ko ay siya namang pagkikislapan ng kung ano. Nasisilaw ako poteks! "Ano ba?!! " pilit kong inaaninaw ang mga taong nasa labas at tila nagkakaroon ng kumusyon sa gate ng bahay ko. Napapatakip pa 'ko ng kamay sa taas ng aking kilay. "ano bang nangyayari? " naguguluhan kong tanong, ng nagsitawagan na sila sa akin ng Ma'am, Madam at Miss. Habang lumalapit ako'y sobrang ingay na hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila. Lumabas na 'ko ng gate na halos matumba na 'ko sa gitgitang nagaganap. Nakakain ko na nga ang ibang mikroponong isinasawsaw sa bunganga ko. Ano ba kasing nangyayari? Napatigil ako bigla ng may narinig akong tanong na talagang nawindang ang boobs ko. Natamaan kasi ng mic nong nagtanong eh. Putcha! "Miss Loreto, totoo po bang sinadya niyong ipasok sa ilong niyo ang straw para mapansin lang ni Mr. Bowers?" Hannu daw?
50 parts