"Akala ko ay kaya na Ngayong wala ka na Ngunit hindi pala Limutin kay 'di magawa..." Sa unang berso ng kanta tila ito'y nagpapatama. Payapang nakaratay sa aking kama at tanging puting ilaw lamang ang aking nakikita. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa labas ng bintana at ninanamnam ang awiting pinakikinggan. "Tik...tik.. Tik..." Tunog ng makina na siyang dahilan kung bakit ako'y nabubuhay pa. Kasalukuyang siya'y nasa aking agam-agam. Nung huling araw ko siyang masilayan, siya ring araw ng kanyang paglisan. Napakapait ng mga pangyayari noon at ito'y dahil sa aking kagustuhan. Sa kanyang paglisan, inakala ko na ito'y akin kakayanin ngunit hindi pala kayang limutin. " Palagi kong tinatanong Sa sarili kong ito Ikaw ba'y lalayo Kung lahat ay inamin ko?" Inaalala ang mga pangyayaring masaya noong kapiling pa siya. Magkahawak kamay na naglalakad at namumutawi ang labis na kaligayahan sa aming mga labi, mga panahong naglalaro't naglalamb