Hindi lahat ng tanong kayang sagutin. Hindi rin lahat ng sagot kaya natin tanggapin. Ngunit alam natin na kahit gaano pa hindi katanggap tanggap ang mga kasagutan, pilit pa rin nating inaalam kahit tayo ay masasaktan. Bakit? Ang daming tanong na kailanma'y sana hindi ko na tinanong. Ang daming tanong na ayaw ko nang sagutin dahil hindi ko naman talaga maaatim na ulit uliting malaman ang lahat.