"Panget... panget...." "BABOOOOY!!!" "Taong tinubuan ng tigyawat...." "Negraaaa... " "Panget na nga! Bobita paaa..." Isang panibagong araw na puno ng hamon na naman ang kinakaharap ni Kukang. Maliit pa lamang siya ay sanay na sanay na siya sa mga panlalait ng ibang tao sa kanya. Laking iskwater kaya tinatagan na lamang niya ang kanyang kalooban na hindi siya matatanggap ng maluwag ng ibang tao. Palaging may masasabi at masasabing panglalait ang mga ito sa kanya. Pero hindi na ngayon..... Magbabago na ang lahat. Ang lahat ng pinagkait sa kanya ng maykapal ay makukuha na niya. Wala siyang pakialam kung madugo ang pamamaraan. Ang mahalaga ay magbabago na ang buhay niya. Hindi na sya malalait pa ng iba. Dahil nasa sakanya na ang kwintas ng kanyang Tiya Cassandra. Ang kwintas na tutupdin ang lahat ng kahilingan ng sinumang magmay-ari dito, ngunit gaano kaya kadugo ang hihingin nitong kapalit?