Inakala nila na patay na si Adie. Matapos ang trahedya sa barko parang sinakluban si Matthew ng langit at lupa. Ngunit matapos ang isang dekada sa hindi inaasahang pagkakataon, tila multong nagpakitang muli si Adie sakanya. Maibabalik kaya ni Matthew ang tamis ng pag-ibig kung ang dala dala naman ni Adie ay poot at hinanakit?