Kilalanin natin si Deana Summer McClaine. 22 years old, freshly graduated from online school, at hindi nakatikim ng elementary or high school experience dahil homeschooled siya. Ang tanging alam lang niya ay uratin ang kapatid niyang si Kelvin at magpakasarap buhay. Siya na sana ang 'The Girl Who Can Drop 20K on a Shopping Trip' pero bigla umikot ang mundo niya, at nakita niya ang sarili niyang nagtatrabaho para sa isang family friend ng kanyang magulang para mabuhay bilang isang independent na babae. Sa kanyang lack of skill sa labas ng bahay, paano kaya siya makakasurvive nito?