Kay saya ng aking pakiramdam kapag nasusulyapan ka, Kabuo-buo ng araw ang iyong mga ngiting kay tamis Sa mga oras na katabi kita may naramdamang kuryente Natutuwa ako kapag kagrupo kita kay saya saya, Kahulog- hulog ang iyong pagiging matalino't mabait Kaya nga andito ako at naghihintay ng pagsalo mo Ngunit habang lumilipas ang panahon Parang kay daming nagbago Kasama na roon ang ating samahan at ang iyong pag uugali Hindi ko maintindihan ang aking sarili Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman Hindi ko rin alam kung saan hahantong ang ating pagsasama Ngunit ayoko ng maloko, Ayoko na ring masaktan, Ayoko naring mapaasa Ngayon nalang ang huling oras Umasa ako na ang aking katuparan ay mangyayari Ngunit hindi Siguro nga kailangan na itigil Ganun pa man masaya ako dahil nakilala kita Paalam aking mahal