Sa mundo ng imortal, ako ay ang 'ika nga: anghel ng pag-ibig, ang guardian of destiny, o kaya naman sa madaling salita: si Cupid o Eros, sa mitolohiya. Ako ang katulong ng mga tao para mahanap ang kanilang forever. Pero hindi ko aakalain na ako rin pala ay matatamaan ng mahiwagang pag-ibig na ito kaya ayun, napadpad ako sa mundo ng mga tao, sawi sa pag-ibig. Makakabalik lamang ako sa aking daigdig kung muli kong ikakalat ang pagmamahal sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga rosas na nagmula sa aking pighati at kalungkutan. Unti-unti itong mamumukadkad sa tuwing darating ang pusong aking tutulungan. Kaya napadpad ako sa dangwa. In other words, kapag nagliwanag ang magical rosebuds ko dito sa dangwa, kailangan maging happy ever after sila. Ako po si Rosa... Kapit lang. Magkakalove life ka na.
21 parts