The infamous legend of Cameron High says that there is a fairy living in the school. Mahirap itong hagilapin, mailap, matalino, loner... at mahilig sa cakes? Meron itong malagintong buhok at walang makakatakas sa hiwaga ng mga berdeng mata niya. Kapag ito'y ginalit mo, abut-abot na kamalasan ang dadapo sa'yo. Para kay Yvanne, isa 'yong malaking kalokohan ng mga kabataang estudyante niya... Mula nang dumating siya sa Cameron High School para magturo, madalas niyang marinig na pag-usapan si Althea ng mga estudyante niya. Hindi niya ito nakikitang pumapasok sa klase niya, at pinagtatakhan niya kung bakit madalas niyang makatagpo ang ilang kabataang may berdeng mga mata. At higit sa lahat, tila ba hinahabol siya ng kamalasan.
9 parts