Si Ashley ay isang call center agent at bartender sa isang bar sinubukan nya ang hindi marangal na trabaho hindi alam ng kaniyang ina na ito ang trabaho niya dahil mas malaki ang kinikita nito, pero hindi alam ng magulang niya na ito ang bumubuhay sa kanila matapos mamayapa ng kaniyang ama. May isinikreto ang mga magulang nito sa kaniya, dahil ang kanilang pamilya ay isa mafia, isinikreto ito sa kaniya dahil magiging mapanganib ang kanilang buhay kung isisiwalat ito sa kaniya. Si Krimsom ay isang businessman, entrepreneur, at isang endorser, mayroon siyang bar, isa rin siyang mafia. Sinusundan niya si Ashley ng halos ilang taon na ang lumipas, hindi niya alam noon na nag tatrabaho si Ashley sa bar niya. Hindi naging madali dahil alam ni Krimsom ang lahat ng mayroon si Ashley. Nais ng mga magulang niya na si Ashley ang mapangasawa niya. Pabor naman ito kay Krimsom dahil sa angking ganda ng dalaga at tuluyang nahulog ang binata sa kaniyang tauhan, halos mabaliw siya sa dalaga hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng binata.