Ang makapiling ka hanggang sa pagtanda ang lagi kong hiling sa may kapal. Wala ako kung wala ka hindi mabubuo ang aking mundo kong hindi ikaw ang aking kasama. Para sa iba walang perpektong pag ibig ngunit ng makilala kita hindi na ako nangamba kung magiging perpekto ba ang pagmamahalan nating dalawa Dahil ang gusto ko lang naman ay makasama ka hanggang sa aking huling hininga mayakap at madama ang init ng iyong yakap at buohin ang mga pangarap nating dalawa. Ang makasama ka sa pagtanda ay malaking biyaya nakailan man ay hindi ko kayang ipagpalit sa kong anong pilak. Dahil kahit anong pera, ginto o dyamante ay walang papalit sa saya at pagmamahal nakaya mong ibigay. Ang mundo ko ay puno ng kadiliman ngunit sa iyong liwanag na dala ako'y nabuhayan ako nababalotng dilim at unti unting nawawalan ng pag asa. Ikaw ang ilaw na bumuhay at nagbigay liwanag sa aking buhay binigyan mo ng kulay ang buhay kong walang sigla kaya kahit sa aking huling hininga ikaw at ikaw parin ang nais kong makasama. - Dawn Marine Andrada