Matapos ubusin ng "Phantom Troupe" ang Tribong kinabibilangan ni Sonam (name meaning "Good Karma") ay isinumpa niya sa kanyang sarili na magpapalakas at ipaghihiganti ang kanyang mga kalahi. Ang kanyang target ay ang pinuno nito na si Duke (name meaning "Leader") na isang makapangyarihan, psychotic at well-skilled na kriminal. At para matapatan ang kakayahan ng bawat isang miyembro ng Phantom Troupe ay ibebenta ni Sonam ang kanyang sarili sa isang "Death God" at pagkakaloban siya nito ng isang "Black Rose" na maging source ng kanyang kapangyarihan. Mag k-krus ang landas nila ng pinuno ng Phantom Troupe at magkakagusto ito sa kanya. Para makapasok sa hide out at makapag spy ay papayag si Sonam na maging kasintahan nito sa kabila ng pagiging demonyo, possessive at psychotic. Sa bawat araw na magkasama sila ay galit lamang ang kanyang nararamdaman at dito ay lihim niya iisa isahin ang mga Phantom Troupe patungo sa kamatayan gamit ang isang maskara na magtatago ng kanyang pagkakakilanlan.