chroma series #1 unedited (when it's complete I'll edit it) "One day I met my happiness, who put yellow in my blue life." Ang nakakabinging katahimikan habang payapang pinapanood ko ang paglabas ng haring araw at tuwing kalagitnaan na nito ay duon na lumalabas ang mga nagwawalang mga luha na ibig lumabas mula sa aking mga mata. Mga luhang pilit kong tinatago at ito ay lumabas tuwing pinagmamasdan ko ang paglabas ng haring araw kagaya ng ginagawa namin nila papa noong bata pa ko.... ngunit mag isa na lamang ako, magisa habang walang tigil ang pagtulo ng mga malungkot na tubig mula sa mga mata ko.... pero di ko akalaing sa gitna ng kulay asul na pakiramdam ko at nag iisang kaluluwa, naramdaman ko muli ang dilaw.... hindi dahil sa paglitaw ng araw kundi dahil sa paglitaw ng isang taong may dalang dilaw na emosyon.... at ikaw yun. Nilagyan mo ng kulay dilaw ang asul na buhay ko.... at di ko aakaling nilagyan ko rin ng totoong dilaw ang buhay mo.... nilagyan nating dilaw ang dalawang kaluluwa natin sa pamamagitan ng isa't isa.... may kasama na ako, may kasama ka na, may sandalan na ako, may sandalan ka na at ikaw at ako yun. Started: July 29, 2023 Ended: (The Cover is not mine, credits to march-bomvely and pinterest)