Sa bawat sayaw ng dahon sa malamig na ihip ng hanging pumapawi sa nakapapasong init ngayong tag-init. Kasabay nito ang unti-unting pagbaon ng bawat tinik ng bulaklaking tanim na tumubo sa loob ko. Sa ilalim ng nakasisilaw na araw, narito ako humahangos at nag-aagaw buhay. At ang tanging lunas ay tunay at wagas na pag-ibig ng lalaking aking hinahangad.