Talia Amaris Del Rosario's Story Sa bawat istoryang nasusulat, palagi nga bang may masayang wakas? Para kay Talia, ang ulan ang isa sa mga pinakamagandang bagay na mayroon ang mundong ito. Ibang pakiramdam kasi ang naidudulot ng ulan sa kaniyang sistema. Sa tuwing umuulan, para bang binibigyan siya nito ng kapayapaan sa isip, puso, at sa kaniyang kaluluwa. Ang bawat patak ng ulan ay tila ba may hiwagang dala para sa kaniya at patuloy siyang nabibighani doon. Ngunit isang kaganapan ang babago sa pananaw niya tungkol sa ulan. Lingid sa kaalaman niya na doon rin magsisimula ang pag-ibig na matatagpuan niya sa katauhan ng lalaking kinatatakutan niya. 06/26/23