̗̀➛ leaves meets land Mahirap ang buhay para sa mga mahihirap na katulad ni Tilara Myscdoval Maravilla. Kapag mahirap ka, syempre mahirap din ang buhay mo. Kapag mahirap ka, syempre limitado lamang ang mga pangarap mo. Kapag mahirap ka, syempre kailangan mong makipaglaban para makaakyat sa tuktok na kailangan mo para sa magandang kinabukasan- paalis sa kahirapan. Walang isang segundo na naging maganda at matiwasay ang buhay ni Tilara. Araw-araw siyang nakikipaglaban para sa kaniyang kalayaan at kinabukasan. Wala na siyang ibang dapat maramdaman kung hindi ang pakikipaglaban. Iyon ang goal niya sa buhay, ang makipaglaban na parang dahon sa hangin kung saan hindi mo alam kung kailan at saan ka babagsak. Ngunit paano kapag may handa ng sumalo sa dahon na iyon? Paano kapag may nakaabang na? Iiwas ba siya o magpapasalo? Minsan ang buhay ay hindi tungkol sa pakikipaglaban para mabuhay. Minsan tungkol ito sa mga experience mo habang nakikipaglaban ka para mabuhay. At iyon na nga ang inaasahan ni Tilara. Sana ang babagsakan niya ay ang lalaking laging nariyan para sa kaniya. Sana siya na lang ang sumalo sa kaniya kapag natapos na ang pakikipaglaban niya para mabuhay. Sana siya ang magligtas sa araw-araw na delubyo ng buhay niya. Sana.