Ang pagpapakasal ay isang sagradong seremonya para sa dalawang taong umiibig sa isa't-isa. Ngunit ibahin sina Matthew at Sienna, ang pagpapakasal sa kanila ay upang panagutan nila ang binuo nilang buhay at upang lumaki ang batang may kumpletong pamilya. Sa buhay mag-asawa nila posible kayang may mabuo na pagmamahalan o may mabuo ulit na buhay?