Mula ng makaalis sa bahay ampunan naging maayos naman ang pamumuhay ni Samantha. Ngunit hindi niya inaasahan ang unos na magbabalik siya sa pag-iisa. Iniwan sila ng kinilala niyang ama. At makalipas ang ilang taon namatay ang kinilala niyang ina. Sa kanyang pag-iisa, at kawalan ng pag-asa, makikilala niya si Dark Wyatt Monreal. Ang binatang bilyonaryo, na masungit pero may kabutihan itinatago, at ubod ng gwapo. Habang magkasama sa iisang bubong, naramdaman nila ang pagmamahal sa piling ng isa't isa. Ngunit isang araw nagbago ang lahat, ng dahil sa isang pangyayari, na magpapabago ng lahat. Masasabi pa bang pagmamahal ang nararamdaman nila kung sa pagdaan ng panahon makalimot ang isa. At sa muli nilang pagkikita, nakatakda na itong ikasal sa iba.