Si Sera ay isang ordinaryong babae lamang para sa kapwa niya mga estudyante, hindi ito marunong magmahal at pati na rin ang magpadama ng pagmamahal. Ngunit anong gagawin niya kung sakaling makatagpo siya ng lalakeng handang gawin ang lahat maipanalo lamang ang pag-ibig na iyon? Si Gray Montell. Ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mangulit at bihagin sa mga mabulaklak niyang salita ang dalaga. Ngunit paano nga ba nabuo ang pagmamahal na iyon sa pagitan nilang dalawa gayong hindi naman sila magkasundo sa isa't isa?